Default Thumbnail

Mga gusali sa CamNor, nagtamo ng bitak

December 8, 2022 Zaida I. Delos Reyes 316 views

Matapos ang 5.3 magnitude na lindol

NAGTAMO ng “minor cracks” o mga bitka sa ilang mga gusali sa Camarines Norte bunga ng 5.3 magnitude sa lindol.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesperson Assistant Secretary Raffy Alejandro na nagkaroon ng crack ang ilang mga gusali sa Labo, Capalonga, Mercedes, Paracale, Sta. Ana, at Vinzons.

Nag-panic aniya ang mga residente sa ilang barangay sa Mercedes dahil sa malakas na pagyanig ng lindol, natakot din ang ilang mga pasyente sa Vinzons dahil sa pagkakaroon ng bitak sa mga maliliit na hospital sa lugar.

Wala namang naiulat na nasaktan o malaking pinsala ang lindol.

Matatandaang dakong 1:05 ng hapon nitong Miyerkules (Disyembre 7) ay niyanig ng 5.3 magnitude na lindol ang Tinaga island, Camarines Norte.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang epicenter ng lindol na tectonic ay makikita sa 19 kilometers N 62° E ng Tinaga Island (Vinzons).

Naramdaman ang Intensity V sa mga bayan ng Mercedes, Jose Panganiban sa Camarines Norte.

Intensity IV sa Daet, Camarines Norte; Guinayangan, Polillo, Quezon.

Intensity III sa Ragay, Pili, Iriga City, Camarines Sur; Mauban, Lopez, Mulanay, Alabat, Gumaca, Quezon.

Intensity II sa Tabaco, Albay; Dingalan, Aurora; Batangas City, Batangas; Calumpit, Plaridel, Pulilan, Marilao, San Ildefonso, Bulacan; Sagnay, Camarines Sur; Carmona, Cavite; Marikina City, Pasig City, Metro Manila; Gapan City, Nueva Ecija; Pinamalayan, Oriental Mindoro; Guagua, Pampanga; Infanta, Pangasinan; Dolores, Infanta, Calauag, Quezon; Taytay, Tanay, Rizal.

Intensity I sa Legazpi City, Albay; Bulakan, Santa Maria, Guiguinto, Obando, Malolos City, Pandi, Doña Remedios Trinidad, Bulacan; Tagaytay City, Ternate, Cavite; Candon, Ilocos Sur; Calamba, Los Banos, Laguna; Malabon City, Pasay, Quezon City, Muntinlupa City, San Juan City, Metro Manila; Mapanas, Northern Samar; San Antonio, Gabaldon, Cabanatuan City, Nueva Ecija; Calapan City, Oriental Mindoro; Tayabas, Lucena City, Quezon; Angono, Morong, Antipolo, Cainta, Rizal.