Mga guro ng San Pablo City nabakunahan na

July 1, 2021 Gil Aman 334 views

NABAKUNAHAN na ang mga guro na kabilang sa A4 Category (Essential Workers) na nasa Schools Division ng San Pablo City sa pagbibigay prioridad ni Mayor Loreto Amante ng San Pablo City,Laguna.

Lubos na nagpapasalamat ang mga guro sa pamumuno nina OIC Schools Div. Supt. Daisy Z. Miranda at OIC Assistant Schools Division Supt. Buddy Chester M.Repia .

Pasasalamat rin ang ipinaaabot ng mga guro kay CDRRMO Paul Michael Cuadra sa pakikipag-ugnayan sa CHO upang agarang maisagawa ang vaccination.

May 300 guro na may comorbidity ang nabakunahan nuong Hunyo 26 sa SM Vaccination Facility at PPL- San Pablo District Hospital.

Nabakunahan naman noong June 30 ang may 600 na guro sa San Pablo Central School.

Inaasahan naman ni OIC-SDS Miranda na makumpleto ang bakuna ng lahat ng teaching and non-teaching personnel para na rin sa kaligtasan ng mga guro at mag-aaral sa lahat ng paaralan sa lunsod.

Pasasalamat rin ang ipinaaabot ni Mayor Loreto Amante sa lahat ng nakikiisa sa vaccinaion roll-out program ng Pamahalaang Lunsod.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ngpunonglunsod sa DOH para sa pagdating ng supply ng mga vaccine para sa mga isasagawa pang vaccinaionon roll-out sa mga priority category groups.

AUTHOR PROFILE