Lorenzo Personal na inabot ni P/Lt. Col. Harry Ruiz Lorenzo III (kaliwa), commander ng Manila Police District (MPD) Stn. 2 ang cash assistance sa mga mag-aaral at sa tanggapan ni Eleodora Vergara, punong-guro ng Isabelo Delos Reyes ES. Kuha ni Jon-jon Reyes

Mga estudyante sa Tondo tumanggap ng cash aid mula sa MPD

October 3, 2022 Jonjon Reyes 508 views

SINIMULAN na ng Manila Police District (MPD) Moriones Police Station 2 ang pamamahagi ng buwanang cash assistance sa ilang mag-aaral ng Isabelo Delos Reyes Elementary School (ES) sa Tondo, Maynila umaga nitong Lunes.

Mula sa Kindergarten hanggang sa Grade Vl ay may 35 estudyante ang makikinabang sa P500 monthly cash assistance.

Katuwang ni Police Lieutenant Colonel Harry Lorenzo lll, station commander ng MPD Stn. 2 si Isabelo Delos Reyes ES Principal Eleodora Vergara sa pamamahagi ng ayuda para sa mga batang estudyante.

Sinaksihan at kasama rin sa pamamahagi ng cash assistance sina Edwin Fan at Jarold Go ng Manila Chinese Action Team (MCAT); P/Maj. Joseph Jimenez, PCP Commander ng Asuncion; P/Maj. Edwin Malabanan ng Bambang Outpost; P/Cpt. Allan Rosca; at Ponciano “Rocky” Bautista ng Station Advisory Group.

Dumalo rin ang Divisoria Rider’s Club na pinangunahan ni Fidel Zapanta, mga tauhan ni Lorenzo na mula sa Station Community Affairs Development Section (SCADS).

Ang nasabing programa ay bahagi ng “adoption” sa mga piling mag-aaral na dapat tulungan o suportahan sa pamamagitan ng ayuda o pagbibigay ng cash allowance.

Pinaiiral din ang “Seen, Appreciated and Felt by the people through Extraordinary actions” (SAFE) sa direktiba ni NCRPO (National Capital Region Police Office) Chief Police Brig. Gen. Jonnie Estomo at MPD Director Andre P. Dizon.

AUTHOR PROFILE