Ara

Mga damit ni Ara sa shooting, puro hiram

July 26, 2023 Vinia Vivar 174 views

Very visible si Ara Mina these days dahil sa rami ng kanyang projects. Every week yata ay nakikita namin siya sa mediacon ng kanyang mga proyekto.

Matapos ang mediacon ng pelikula niya at TV show sa Net25 na Magandang ARAw, nakita naming muli ang aktres sa birthday party/presscon ni Nunungan, Lanao del Norte Mayor Mamay Marcos na ginanap sa Valle Verde Club House kamakailan.

Si Ara ang gaganap na Mrs. Mamay sa bioflick ng politiko na Mamay: The Great Man of Nunungan, Lanao del Norte at aniya, first time niyang gumanap na Muslim sa isang pelikula.

Na-meet na nga raw niya ang wife ni Mayor Mamay at pinagamit sa kanya ang mga damit nito sa shooting.

“’Yung mga isinusuot ko do’n, mga damit niya. Siya ‘yung nagbibihis sa ‘kin, pinapagamit niya sa ‘kin ‘yung personal clothes niya,” sey ni Ara.

Pero hindi pa raw niya nakita ang buong face ni Mrs. Mamay dahil lagi itong naka-hijab o head scarf, isa sa dress code ng mga Muslim.

“Lagi siyang naka-hihjab at saka, nakatakip ‘yung face. Hindi ko pa siya nakita without hijab,” aniya.

Si Jeric Raval naman ang gumaganap na Mayor Mamay at ayon sa aktor, first time rin niya to play a Muslim role.

“So, may kaunting adjustments, pagbibihis saka ‘yung kilos,” sey ni Jeric.

Natanong naman si Mayor Mamay kung ano ang nagbunsod sa kanya para isapelikula ang kanyang life story.

Ayon sa alkalde, noon pa may offer sa kanya ang iba’t ibang networks para i-dramatize ang kanyang makulay na buhay.

“So, we decided na why not make a movie para kahit papaano, makita or mapanood din, na maging inspirational movie rin para sa mga kabataan, lalung-lalo na mga ‘yung below poverty line, nasa marginal sector, para gawing inspirasyon at hindi maging hadlang ‘yung pagiging mahirap para hindi makatapos ng pag-aaral,” pahayag ni Mayor Mamay.

Kasama rin sa bioflick si Teejay Marquez at marami pang iba mula sa direksyon ni Neal “Buboy” Tan.

Samantala, bongga ang birthday party ni Mayor Mamay dahil sa rami ng dumating na well-wishers from politics and showbiz. Bukod sa pagdating ng cast, dumalo rin sina Andrea del Rosario, Julio Diaz, Ricky Davao, Katrina Paula, Alma Concepcion, Kelvin Miranda, Pia Moran, Angelica Jones at marami pang iba.

Namataan din namin sina Congressman Pantaleon Alvarez, Honorable Samira Gutoc at iba pang mga politiko.

AUTHOR PROFILE