Cemetery Mga naging sitwasyon sa pagpasok sa Manila North Cemetery ng mga dadalaw sa kanilang mga kaanak na nakalibing sa nasabing sementeryo. Kuha ni Jon-jon Reyes

Mga dadalaw sa mga sementeryo sa Maynila lalampas sa 1M

November 2, 2022 Jonjon Reyes 165 views

Cemetery1

INAASAHANG aabot muli at lalagpas pa sa isang milyon ang dadalaw sa kani-kanilang mga mahal sa buhay na nakahimlay mula sa apat na sementeryo na nasasakupan ng Lungsod ng Maynila upang gunitain ang “Undas” kabilang ang Manila North Cemetery (MNC), dahil sa pansamantalang pagsasara ng mga ito nitong Sabado at Linggo dulot ng bagyong “Paeng”.

Ayon sa pahayag ni MNC Director Roselle Castañeda, ang isang milyong nilang inaasahan ay tulad ng dami ng bumisita noong nakaraang 2019 bago ang pandemiya.

Ngunit dahil sa dami ng hindi nakapunta ng sementeryo nitong nakaraang Sabado at Linggo dahil sa bagyo ay inaasahan na lalo pang dadami kahit na magtutuloy-tuloy pa ang masamang panahon ngayong araw ng Martes dahil sa may panibagong Low Pressure Area (LPA).

“Handa pa rin naman po kami. kahit na po patuloy ang sama ng panahon, talagang mataas ang expectation namin ngayong November 1 kaya nga po may mga pulis tayong naka-deploy dito,” pahayag ni Castañeda.

Kabilang din sa mga pupunta sa mga sementeryo sa Lungsod ng Maynila sa araw ng Undas ay ang mga mangagaling din mula sa mga probinsya o labas ng Metro Manila, tulad ng Bulacan, Pampanga, Cavite, Laguna, at Batangas upang mabisita ang kanilang mga namayapang kaanak sa gitna ng “new normal” na pamumuhay.

Samantala, naka-antabay at patuloy naman na magbabantay ang mga kapulisan sa pamumuno ni Mnaila Police District (MPD) Director P/Brig. Gen. Andre P. Dizon at nanawagan ang kapulisan na papairalin ang minimum health protocol kontra COVID-19 mula sa paggamit ng face mask at pagdisinfect ng alcohol, at pagsunod sa mahigpit na ipinagbabawal na mga kagamitan sa loob ng mga sementeryo.

AUTHOR PROFILE