Ferdinand Martin G. Romualdez

Mga batas para sa paglikha ng mas maraming trabaho at negosyo, minamadali ng Kongreso – Romualdez

July 2, 2023 Ryan Ponce Pacpaco 218 views

MINAMADALI na ng House of Representatives ang pagpapasa ng mga batas na makakapaglikha ng marami pang negosyo upang makapagbigay ng mas maraming hanapbuhay sa mga Pinoy.

Sa isang pulong, sinabi ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na “pinapabilisan ko na ang pagpasa ng mga batas para sa mas madaling pagbubukas ng mga negosyo dito sa atin sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga “lagayan” at sangkaterbang requirements o “red tape”.

Aminado naman si Romualdez na, “Dito nahihirapan at nate-turn off ang mga negosyante at mga mamumuhunan sa bansa.”

Ayon pa sa lider ng Kongreso, “at kung marami ang nagbubukasang negosyo, definitely kailangan nito ng maraming tao”.

Samantala, pinasalamatan din ng mambabatas mula Leyte ang mga negosyante dahil sa pagiging matatag nila noong panahon ng pandemya.

“Our businessmen help our economy stay afloat during the onslaught of COVID-19 when everyone else is down and out”, ani Romualdez.

AUTHOR PROFILE