Default Thumbnail

Mga batang lansangan binigyan ng maagang pamasko ng MPD

December 12, 2022 Jonjon Reyes 259 views

PINAGKALOOBAN ng maagang pamasko ang mga mahihirap na pamilya at ang mga batang naninirahan sa bangketa mula sa Manila Police District (MPD) Moriones Police Station sa Tondo, Maynila, Linggo ng umaga.

Katuwang si Harry Angping at ang Rotary Club ng Quiapo Plaza Miranda, nagkaroon ng distribusyon ng grocery items sa mga pamilya sa Barangay 259 na nagsimula ng bandang 10:00 ng umaga sa harapan ng MPD Moriones PS 2.

Pinangunahan ni Police Lt. Col. Harry Ruiz Lorenzo lll ang gift-giving activity sa mahigit na 600 pamilya kabilang ang mga batang lansangan.

Katuwang din ang mga tauhan ni Lorenzo sa pamimigay ng maagang pamasko habang sinaksihan ni P/Lt. Henry Mariano, hepe ng Station Community Affairs and Development Section (SCADS) ang mga aktibidad.

Inabot halos ng dalawang oras ang pamimigay ng mga pamasko na nag-iwan ng ngiti sa bawat nakatanggap bilang kanilang pasasalamat.

Ayon kay Lorenzo, kahit kaunting pamasko lamang ang kanilang naipamigay, maging sila at sampu nitong tauhan ay “nawala ang kanilang pagod, upang maipadama sa mga tao ang diwa ng Pasko, ang pagbibigayan.”

AUTHOR PROFILE