Vic1

Mga anak ni Boss Vic may kanya-kanya nang posisyon sa Viva

June 2, 2023 Aster Amoyo 835 views

VicVic2Vic3KASABAY ng formal opening ng kauna-unahang Viva Café located at Cyberpark 1 in Araneta City, Cubao, Quezon City, isang grand celebration ang isinagawa ng Vivamax and Viva One dahil umabot na sa 7 million ang subscribers ng Vivamax habang may 500,000 naman ang Viva One sa loob lamang ng tatlong buwan. Ang celebration ay pinangunahan ng dalawa sa mga anak ng Viva’s top gun na si Boss Vic del Rosario (chairman ng Viva Group of Companies) na sina Vincent del Rosario, president ng Viva Communications at Valerie del Rosario, president ng bagong tatag na Viva Studio which covers films, TV and streaming platform. Ito’y dinaluhan din ng mga Vivamax stars and talents tulad nina Ayanna Misola, AziAcosto, Alexa Ocampo, Aiko Garcia, Quinn Carillo, Denise Esteban, Hershie de Leon, Angelica Cervantes, Apple Dy, Tiffany Grey. Angelica Hart, Armina Alegre, Audrey Avila, among others.

Ang nakakatuwa kay Boss Vic, he now let his children (Vincent, Veronique, Valerie and VR) shine on their own for them to get ready when the time comes na kailangan na niyang mag-retiro.

Katunayan, ang ikatlong henerasyon ng mga Del Rosario, his grandchildren (from his eldest son na si Vincent) ay involved na rin sa iba’t ibang sangay ng kumpanya. Pero sa kabila na binibigyan na niya ng full authority ang kanyang mga anak to decide on their own, Boss Vic still makes the major decisions. His children and other Viva top executives would still confer with him for his final approval. He still calls the shots after all.

Samantala, hindi kami magtataka kung agad magkakaroon ng iba’tibang branch ang Viva Café na tila spin-off sa dating Music Hall ng Viva sa Metrowalk. Bukod kasi sa good food, service and ambience, venue rin ito for Viva’s recording and music artists to showcase their talents.

Liza dinaya ang edad

DINAYA pala ang edad noon ng dating beauty queen-turned award-winning actress na si Liza Lorena para lamang makasali ito sa Bb. Pilipinas nung 1966.

Since matangkad at malaking bulas si Liza when she was barely 16 years old, dinaya ang kanyang edad para mag-qualify sa Bb. Pilipinas and she ended up being 1st runner-up. Isa sa mga hurado noon ay si Jose Nepomuceno ng Nepomuceno Productions at agad siyang kinuha nito and was tasked to do the reading ng character na Esperanza, ang na anak nina Charito Solis at Ric Rodrigo sa pelikulang “Nang Dahil Sa Isang Bulaklak” nung 1967. Liza got the role at ito ay kasaysayan nang maituturing.

Hanggang ngayon ay aktibo pa rin si Lizzie sa pelikula.

AUTHOR PROFILE