
Mga anak ipinagmamalaki ni Joel
PROUD dad ang award-winning veteran actor and businessman na si Joel Torre sa kanyang anak na si Aila Torre dahil ito ang nag-design ng bagong labas ng Nike’s Sabrina 2 shoes named after the brand’s signature model, ang WNBA star na si Sabrina Ionescu who is currently in the Philippines until March 12 as part of her first Asian tour which will include Guangzhou (March 14 & 15) and Hong Kong (March 16).
Aila who is Maria Ariela Torre is an athlete, visual artist and basketball enthusiast at isa sa mga rubber shoes designer ng Nike. Katunayan, she gifted her dad with two of her latest designs for the popular shoe brand.
Aila has competed also in several wakeboarding events.
Si Aila ay panganay sa dalawang anak na babae ng mag-asawang Joel at Christy Azcona-Torre. Her younger sister Marella (Maria Raphaela).
Marella is into boxing and acting tulad ng kanyang dad na si Joel. She has already appeared in several projects at kasama na rito ang isang indie movie na pinamatang “We Shall Not Die” nung 2018. Naging bahagi rin siya ng action-fantasy series na “La Luna Sangre” na pinagbidahan ng dating magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. She also guested on Coco Martin’s hit action drama series “FPJ’s Ang Probinsyano”.
Ang magkapatid na Aila at Marella ay parehong involved sa chain of restaurants ng kanilang pamilya, ang JT’s Manukan Grille which is now into franchise.
MIFF sa Los Angeles bumaba ang revenue
ACCORDING to our very reliable source, hindi umano kasing lakas as compared to last year ang attendance ng screening ng mga pelikulang kalahok sa 2nd Manila International Film Festival na ginanap sa iconic TCL Chinese Theatre (dalawang sinehan lang). Katunayan, the tickets went down to $12.50 from its original price pero ang ikinagulat ng marami ay kung bakit ang audience ang namili ng winners considering na sa dalawang sinehan lamang ipinalabas ang mga kalahok na pelikula on a very limited screening scheds. Hindi rin ganoong ka-rami ang mga nanood sa lahat ng mga pelikulang kalahok (minus “Uninvited” at “Himala: The Musicale” na parehong nag-withdraw). Bakit hindi kaya kumuha ang MIFF ng sarili nitong judges na siyang pipili ng mga dapat manalo?
Gaano rin kaya katotoo ang balitang nakarating sa amin na kung ang MMFF lamang daw ang nasunod ay ayaw na nilang magkaroon pa ng separate awarding ang MIFF that will contradict the final judgement ng 2024 MMFF Awards pero ayaw umano pumayag ang pamunuan ng MIFF na namigay din ng ibang special awards tulad ng Box Office Hit Award para sa pelikulang “Hello, Love, Again” na joint production ng Star Cinema at GMA Pictures at pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards at pinamahalaan ng box office director na si Cathy Garcia-Sampana.
Ang naturang award ay sabay na tinanggap nina Atty. Annette Gozon-Valdes ng GMA at Kris Gazmen ng ABS-CBN Films. Namahagi rin ang MIFF ng Lifetime achievement awards kina veteran actress na si Boots Anson Roa-Rodrigo, Vilma Santos-Recto, Ricky Lee, ang Filipino-American comedian na si Nico Santos and posthumous award for Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde whose award was received by her daughter, ang namamahala ng Regal Entertainment ngayon na si Roselle Monteverde. Personal na tinanggap ni Boots ang kanyang parangal habang wala sina Vi at Ricky.
Ang run-away winner ng MIFF awards night ay ang pelikulang “Song of the Fireflies” which was chosen as Best Picture, Best Actress for singer and acting debutante Morissette Amon, Best Supporting Actress for singer-actress Rachel Alejandro at Noel Comia bilang Best Supporting Actor. Ang Best Actor winner ay ang “My Future You” lead actor na si Seth Fedelin habang ang director ng pelikula na si Crisanto Aquino ang tinanghal na Best Director. Pinarangalan din ang ilang documentary films tulad ng “Faith Healers,” “Nurse Unseen” at ang “Eraserheads: Combo On the Run” which will premiere in Philippine cinemas on March 21 to 23, 2025 (one weekend).
Rachel Alejandro dedicated her award to her ailing father, OPM icon Hajji Alejandro.
Ibinahagi rin ng aming source na dalawang actress umano na ang pelikula ay kalahok sa sa MMFF at MIFF ang hindi nag-participate sa `meet and greet’ at the red carpet with their Filipino fans at sa halip ay nag-sneak out umano ang dalawa to avoid the said event. Bakit pa sila nag-travel pa-Amerika kung iisnabin rin lamang nila ang ating mga kababayan na nag-effort pang mag-travel at bumili ng tickets para lamang mananood ang mga pelikulang kalahok sa festival at makita nang personal ang mga artista for photo ops?
Samantala, pinagkaguluhan umano ang Filipino-American comedian na si Jo Koy maging ang kanyang kasamang guest, ang NBA player na si Byron Scott. Si Jo Koy umano ang producer ng docu movie na “Nurse Unseen”.
Ipinalabas din umano ang dalawang lumang pelikulang “Magikland” at “The Debut”.
Ang 2025 MIFF was originally scheduled from January 28 – February 2, 2025 but was moved and shortened to March 4- 7, 2025 dahil sa wildfire which gutted some areas in Los Angeles, California kaya karamihan ng mga lead stars ng mga pelikulang kalahok ay hindi na nakadalo.
The two key figures sa Manila International Film Festival ay sina Omen Ortiz (chairman) at Ebradu Udarbe (president) kasama sina Lisa Manibog-Lew, ang mag-asawang Ruben at Susan Nepales at iba pa.
Kaldkaren sinundan ng British husband sa L.A.
MUKHANG naayos na ang marital problem sa pagitan ng mag-asawang Luke Wrightson at Jervi Lee-Wrightson na mas kilala as KaladKaren dahil sumunod umano si Luke sa kanyang wife na si Jervi sa Los Angeles, California, USA kung saan isa siya sa mga dumalo sa ikalawang taon ng Manila International Film Festival.
It was last month nang mapabalitang hiwalay na umano ang mag-asawa pero nanatiling tikom ang bibig ng impersonator, TV host-presenter tungkol sa issue.
Sina Luke at Jervi ay nagkakilala nung 2012 sa Hong Kong at nagpakasal ang dalawa noon lamang nakaraang September 8, 2024 sa Scarborough, North Yorkshire in United Kingdom. The couple carry a long-distance relationship dahil narito sa Pilipinas ang trabaho at career ni Jervi habang nasa London naman ang kanyang mister.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster-amoyo.