Mga aktor na maraming anak sa iba’t ibang babae

June 20, 2021 Aster Amoyo 2885 views

IN celebration of Fathers Day, we celebrate fathers from showbiz.

Maraming male celebrities ang may mga anak sa iba’t ibang babae at kasama na rito ang yumaong si Lou Salvador, Sr. with more than 100 kids kabilang ang actor-director na si Leroy Salvador, Mina Aragon, Alona Alegre, Jumbo Salvador, Ross Rival, Ramon Salvador, Phillip Salvador, Chona Salvador at marami pang iba. Sumunod naman kay Lou ang yumaong veteran actor-producer at dating senador na si Ramon Revilla, Sr. with over 70 children. Kasama sa kanyang mga anak sina Sen. Ramon `Bong’ Revilla, Jr., Antipolo mayor Andeng Bautista-Ynares, Marlon Bautista, Rowena Bautista-Mendoza, Princess Revilla among others.

Ang yumaong comedy king na si Dolphy ay may 18 anak sa magkakaibang babae.

Former actor-producer and dating Presidente at Manila Mayor Joseph `Erap’ Estrada has eight children sa apat na babae at ang kanyang mga anak ay kinabibilangan nina dating Sen. Jinggoy Estrada, Jackie Ejercito at Jude Estrada (kay Dra. Loi Ejercito), sina Jerika, Jake at Jacob Ejercito sa dating actress na si Laarni Enriquez, si dating Sen. JV Ejercito (sa dating mayor ng San Juan na si Guia Gomez) at si Jojo Ejercito (kay Joey Rowena).

Sa present generation ng mga actor, mukhang nangunguna ang dating action star ng OctoArts Films na si Jeric Raval with 18 children from different women including children from his wife na si Holiday Buensuceso, sa dating actress na si Monica Herrera, sa dating sexy actress na si Alyssa Alvarez at iba pa.

Among Jeric’s 18 children, si AJ Raval (na anak nya kay Alyssa Alvarez) ang Bukod tanging pumasok sa showbiz.

Next to Jeric is actor-comedian at dating mayor ng Paranaque na si Joey Marquez with 16 children at kasama na rito ang mga anak niya sa kanyang ex-wife, ang actress at dating politician na si Alma Moreno. Halos lahat ng mga anak niya kay Alma ay sumunod sa showbiz at kasama na rito ang actress at kauna-unahang Filipina beauty na kinoronahan sa 2017 Reina Hispanoamerican sa Bolivia na si Winwyn Marquez. Ayon kay Joey, kahit magkakaiba ang ina ng kanyang 16 na anak ay close umano sa isa’t isa ang magkakapatid dahil ganundin umano siya sa kanyang mga half-siblings.

Labindalawa naman ang anak ng “Totoy Mola” lead actor na si Jay Manalo sa anim na babae pero wala na isa sa kanyang mga anak ang nag-attempt mag-showbiz.

Former action superstar Robin Padilla has seven mula sa tatlong babae. May apat siyang anak sa kanyang ex-wife na si Liezl Sicangco na sina Queenie, Kylie, Ali at Zhen-Zhen. Dalawa naman ang anak niya sa kanyang second and present wife na si Mariel Padilla na sina Isabelle at Gabriela habang ang kanyang panganay na anak na si Camille Orosa ay anak niya sa dating actress now based in America na si Leah Orosa.

John Lloyd at Bea nasa marrying age na

ANG buwan ng Hunyo ay isang mahalagang buwan para sa comebacking actor na si John Lloyd Cruz dahil bukod sa celebration ng Father’s Day, tatlong araw lamang ang pagitan ng kanilang magkahiwalay na kaarawan ng kanyang almost three-year-old son (kay Ellen Adarna) na si Elias Modesto Adarna Cruz, June 24 at June 27.

Since hindi naman mahilig mag-celebrate ng kanyang birthday si John Lloyd, malamang na ilaan na lamang niya ang selebrasyon para sa kanyang anak na si Elias on June 27.

Samantala, kung masaya ngayon ang puso ni Ellen dahil engaged to be married na ito kay Derek, loveless si JLC habang ang kanyang perennial screen partner na si Bea Alonzo ay nali-link naman ngayon sa aktor at pamangkin ng US-based actress na si Beth Tamayo na si Dominic Roque. Pero marami pa ring fans ng John Lloyd at Bea ang umaasa na sana ang dalawa umano ang magkatuluyan sa tunay na buhay.

Ang tambalan nina John Lloyd at Bea ay maihahalintulad sa successful team-up noon nina Vilma Santos at Christopher de Leon na kahit nagtambal na sila in over 20 films ay never naugnay sa isa’t isa.

Magti-38 na si John Lloyd sa darating na June 24 at 33 naman si Bea, kaya nasa marrying age na rin ang dalawa.

Angelica inilalantad na ang BF

IT was last February nang unang mag-share ang Fil-Am Kapamilya actress na si Angelica Panganiban ng picture nila ng kanyang foreigner boyfriend, ang businessman na si Gregg Homan. Lately lamang ay muling nagbahagi ang actress ng larawan nila ng kanyang nobyo na kuha sa yate ni Gregg in Subic, Zambales.

At 34, handang-handa na rin si Angelica na bumuo ng sariling pamilya kung nanaisin ng kanyang nobyo.

Angelica was in a long relationship with actor Carlo Aquino na sinundan nina Derek Ramsay at John Lloyd Cruz.

Subscribe, like, share and hit the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE