MFD, Pure Force Rescue paiigtingin pagresponde sa sunog

June 2, 2022 Jonjon Reyes 133 views

NAGSANIB puwersa na ang Manila Fire District (MFD) sa pakikipagtulungan nito sa Pureforce Rescue Corporation.

Ito ay matapos na lumagda ng isang Memorandum of Agreement (MOA) na naglalayong palakasin at pabilisin ang pagresponde ng MFD.

Sa nasabing MOA, magagamit na ng MFD ang Pure Force Citizens App na inaasahang mapapaiksi ang “response time” ng mga responders at mas magiging madali ang usapan sa pagitan ng responders at ng concerned stakeholders.

Magbibigay din ang Pure Force ng mga kinakailangang network at softwares para sa training ng mga MFD personnel na tatao sa nasabing operation.

Ang nasabing kasunduan o pagsasanib puwersa ay naisakatuparan ng dalawang organisasyon sa pangunguna nina MFD Chief SSupt. Crosbee Gumowang at Pure Force President and Chief Executive Officer (CEO) Jo Soliman.

AUTHOR PROFILE