ISG

Metrowalk, gagawing Little Seoul ni Chavit  Korean superstar Lee Seung Gi, ipagpu-produce ng movie sa ’Pinas

May 27, 2023 Vinia Vivar 383 views

Narito ngayon sa bansa ang South Korean superstar na si Lee Seung Gi para sa isang mini-concert at sa isang possible business partnership with former Ilocus Sur Governor Chavit Singson.

Sa mga hindi nakakakilala kay Lee Seung Gi, sumikat siya sa South Korea bilang multi-talented entertainer at nakagawa na ng maraming Korean dramas, concerts at albums.

Ilan sa mga hit K-dramas niya ay ang My Girlfriend is a Gumiho, Mouse, The King 2 Hearts, Vagabond at A Korean Odyssey, among others.

Dumating sa bansa si Lee Seung Gi last Friday, May 26, via a private plane ni Gov. Chavit na siyang sumalubong sa actor/singer sa hangar kasama ang mga imbitadong entertainment press.

Shortly after LSG’s arrival ay nagkaroon ng mini-conference kung saan ay sinagot niya ang ilang katanungan ng press.

Pero bago dumating si Lee Seung Gi ay nakapanayam na si Gov. Chavit ng ilang press at naibalita niyang magkakaroon sila ng business partnership ng Korean actor/singer.

“Magtatayo kami ng Little Seoul dito sa Metro Manila, mga building, mga center. Du’n sa Metrowalk. Parang little Korea pero tatawagin nating Little Seoul,” pahayag ng dating gobernador.

“Mag-uumpisa pa lang. Baka abutin ‘yon ng two to three years. Ito ipa-finalize na. Hopefully magkapirmahan na pagpunta dito kasama ng mga kasama niyang investor,” dagdag ni Gov. Chavit.

This explains kung bakit noong nakaraang Marso ay bumisita sa Vigan, Ilocos Sur si Lee Seung Gi na siyang hometown ni Gov. Chavit.

May mga niluluto pala silang negosyo.

Bukod dito ay nais din daw ni Gov. na mag-produce ng pelikula para kay Lee Seung Gi at magkaroon ng musical career dito sa ‘Pinas.

Sa mini-presscon ay nabanggit ni Lee Seung Gi na nag-enjoy siya during his stay in Vigan last March.

“I visited Vigan and I found it a beautiful city. Someday we would like to film a series there.

“I was here for travel the last time and I really liked it. I was surprised that a lot of Filipinos recognized me, and I really enjoyed that moment,” sey ni Seung Gi sa pamamagitan ng kanyang interpreter.

Tungkol naman sa collaboration nila ni Gov. Chavit, ayon kay Lee Seung Gi, “It’s only our second time to meet but we are looking forward to more Philippine projects together.”

Welcome rin sa kanya ang ideyang makagawa ng Korean shows sa ‘Pinas at makapag-release ng kanta in the near future.

“If there’s a chance, I’m keen to maybe release a song in Filipino. I really think if we can create Korean shows in the Philippines, it’s gonna be awesome,” he said.

AUTHOR PROFILE