Metro mayors muling pinulsuhan

June 7, 2021 People's Tonight 291 views

MATAPOS na i-assess ang mga National Capital Regions (NCR) mayors ng kanilang mga constituents sa isang “job performance survey” at “re-election preferences,” ang mga metro mayors ay muling pinulsuhan, kasama ang kanilang mga posibleng makakalaban sa nalalapit na 2022 elections, at narito ang detalyadong resulta nito.

Sa Quezon City, si incumbent Mayor Maria Josefina “Joy” Belmonte ay nakakuha ng 38-percentage count lead laban sa popular broadcast journalist na si Rafael “Raffy” Tulfo, na nakakuha naman ng 25-percentage record, kasunod si dating Mayor Herbert Constantine Bautista, na may 13- percentage result.

Si dating Congressman Vincent “Bingbong” Crisologo naman na nakalaban ni Belmonte sa nakalipas na eleksiyon ngunit natalo, ay pumang-apat sa 10-percentage count habang nasa huling puwesto si Congressman Michael “Mike” Defensor, na nakakuha ng eight percentage result.

Sa pinakahuling developments, lumilitaw na sina Belmonte at Tulfo ay tila mayroong alyansa habang sina Defensor at Crisologo naman ang madalas na makitang magkasama sa ilang events.

Samantala, sa Maynila, inaasahang si Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ay hindi na tatakbo sa re-election dahil sa posibilidad na tumakbo ito sa mas mataas na posisyon, kaya’t ang kanyang kaalyadong si incumbent Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Honrado Lacuna naman ang inaasahang tatakbo sa pagka-alkalde.

Si Lacuna ay nakakuha ng 46-percentage mark laban sa posible niyang makalaban sa eleksiyon na si incumbent Congressman Manny Lopez, na anak ni dating Manila Mayor Mel Lopez, na nakakuha naman ng 33-percentage rating.

Sa Pasig City, inaasahan ang ‘one-on-one scenario match’ sa pagitan nina incumbent Mayor Victor Ma. Regis “Vico” Sotto, na nakakuha ng weighty preference na 67-percentage result laban kay dating Mayor Robert “Bobby” Eusebio, na nakakuha naman 28-percentage count.

Sa San Juan City, si incumbent Mayor Francisco “Francis” Zamora ay nakakuha ng 48-percentage result laban sa kanyang dating contender sa isang close fight noong 2019 elections na si dating Vice Mayor Janella Ejercito Estrada, na nakakuha ng 30-percentage count mula sa mga botante.

Ang mga re-electionist NCR mayors naman na sina Carmelita “Menchie” Abalos ng Mandaluyong City; Lino Cayetano ng Taguig City; Mar-len Abigail “Abby” Binay ng Makati City; Imelda “Emi” Calixto ng Pasay City; Tobias “Toby” Tiangco ng Navotas City; Imelda “Mel” Aguilar ng Las Pinas City; at Miguel “Ike” Ponce III ng Pateros, ay inaasahang walang makakalaban sa halalan.

Posible namang patakbuhin ng non-re-electionist na si Mayor Oscar “Oca” Malapitan ang kanyang anak na si Congressman Dale “Along” Malapitan sa pagka-alkalde ng Caloocan City, na nakakuha ng 53-percentage result at inaasahang makakatunggali nito si Congressman Edgar “Egay” Erice na nakakuha naman ng 36- percentage count sa survey.

Sa Parañaque City, ang kapatid ni outgoing Mayor Edwin Olivarez, na si Congressman Eric Olivarez, naman ang inaasahang kakandidato sa pagka-alkalde, at nakakuha ito ng 35-percentage result laban kay dating Congressman Gustavo “Gus” Tambunting, na nakakuha naman ng 50-percentage count.

Si Congressman Rozzano “Ruffy” Biazon naman na posibleng tumakbo bilang alkalde ng Muntinlupa City ay nakakuha ng 57-percentage result, laban sa kanyang posibleng makakalaban na si dating Mayor Aldrin San Pedro, na nakakuha ng lamang ng 23-percentage count.

Ang last termer na si Mayor Rexlon Gatchalian ng Valenzuela City ay inaasahang tatakbo sa pagka-Congressman ng unang distrito ng lungsod, habang isa pang Gatchalian naman ang posibleng tumakbong unopposed sa mayoralty position.

Ang naturang “NCR Mayor: Pulso ng Bayan 2022 survey” ay isinagawa mula Mayo 20-30, 2021 ng isang independent at non-commissioned survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMDinc).

Ayon kay Dr. Paul Martinez, nagsagawa sila ng face-to-face interviews sa kabuuang 5,000 respondents sa walong lungsod, kung saan ang Quezon City ang may pinakamataas na bilang ng respondents na nasa 1,500.

Ang mga respondents ay pinakitaan ng listahan ng mga posibleng maging kandidato sa pagka-alkalde sa taong 2022, at direktang tinanong kung sino sa mga ito ang nais nilang maging susunod na mayor sa kanilang lungsod.

AUTHOR PROFILE