
Messy but sexy
Muling nagpa-init ng social media ang dyosa ng kaseksihan na si Patricia Henson matapos niyang mag-post ng isang messy hottie mirror shot suot lamang ang kanyang mapangahas na bikini.
Mukhang bagong ligo kaya talagang fresh na fresh pa rin, kaya naman hindi na nakapaghintay ang mga fans sa comment section!
Sa kanyang simpleng caption na “Teleportation month,” tila gusto niyang ipahiwatig na wala nang makakahabol sa kanyang level ng hotness! Messy pero sexy? Walang effort pero sagad sa alindog? Patricia lang talaga ang may ganyang lakas ng loob!
Hindi rin nagpahuli ang kanyang mga tagahanga sa kanilang maiinit na reaksyon: “Body is giving. That’s why my love has a crush on her.” May humanga sa kanyang outfit—”That bikini dzoeeee!”
At ang pinaka-wild na tanong? “How to teleport po?”