‘Merry ang Vibes ng Pasko’ sa TV5
Ngayong Kapaskuhan, hatid ng TV5 ang ultimate Christmas saya sa isang star-studded Christmas extravaganza at mga bagong updates para sa kanilang Hapon Champion block.
Ipinagmamalaki ng TV5 ang “Merry ang Vibes ng Pasko: The MVP Group Christmas Party,” isang ekstra ordinaryong two-part Christmas special na ginanap sa Araneta Coliseum.
Ang unang bahagi na napanood noong Disyembre 15 ay punong-puno ng nakakabilib na performances. Sa darating na Disyembre 22 naman mapapanood ang ikalawang bahagi kaya’t asahan ang mas marami pang dazzling acts at heartwarming moments.
Sa musical direction ni Maestro Louie Ocampo at direksyon ng legendary director na si Johnny Manahan, tampok sa Christmas special sina Maja Salvador, Apl.de.Ap, Bamboo at Sarah Geronimo.
Kasama rin ang powerhouse performances nina Martin Nievera, Aicelle Santos at Jed Madela.
Mas lalong magiging makulay ang panonood ng mga viewers dahil sa performances mula kina TVJ (Tito, Vic, Joey) at ng Eat Bulaga “Dabarkads,” Willie Revillame kasama ang Wil To Win co-hosts, Da Pers Family stars (Aga, Charlene at Atasha Muhlach), at ang cast ng The Kingdom, na pinangungunahan nina Vic Sotto, Piolo Pascual, Sid Lucero at Cristine Reyes.
Present din sina Sen. Raffy Tulfo, Korina Sanchez-Roxas at mga kilalang atleta tulad nina Carlos Yulo, Nesthy Petecio at Aira Villegas.
Kasama rin ang Kapatid stars mula sa Ang Himala ni Niño, Sing Galing at Lumuhod Ka sa Lupa, pati ang mga news anchors at personalities ng TV5.
Ang “Merry ang Vibes ng Pasko” ay may temang “Puso at Serbisyo.” Naglalayon itong makalikom ng pondo para sa mga typhoon survivor.
Huwag palampasin ang pangalawang bahagi ng selebrasyon sa Disyembre 22, 5:30 p.m., sa TV5, Sari-Sari, BuKo Channel at One PH. May same-day catch-up din sa RPTV.
Bukod dito, mas pinalawak pa ang Hapon Champion block ng TV5. Extended na ang “Eat Bulaga” hanggang 2:40 p.m. para maghatid ng mas maraming sorpresa, laro at tawanan. Susundan ito ng dalawang episodes ng “Frontline Express” tuwing 2:40 at 4:55 p.m. para sa mga up-to-date news ngayong Kapaskuhan.
Para sa fans ng trivia at tsikahan, mas pinahaba na ang “Quizmosa” ng isang oras mula 3 hanggang 4 p.m. bago mag-“Face to Face: Harapan” kasama si Korina Sanchez-Roxas.