Mercy Sunot ng Aegis band nakapag-Tiktok pa bago pumanaw
PUMANAW na ang miyembro ng Aegis band na si Mercy Sunot matapos ang pakikipaglaban sa lung cancer. Siya ay 48 years old.
Kinumpirma ng kanyang mga kasamahan ang malungkot na balita sa pamamagitan ng official Facebook page ng Aegis Band.
“It is with heavy hearts that we share the news of the passing of Mercy, one of the beloved vocalists of AEGIS Band.
“She bravely fought her battle with cancer but has now found peace and rest.:40
Bumalik ka na #Yorme 2025
“Mercy’s voice wasn’t just a part of AEGIS—it was a voice that brought comfort, joy, and strength to so many.
“Let us come together to celebrate the incredible life she lived and the legacy she leaves behind.
“She has touched countless lives, inspiring fans and lifting spirits with every song she sang.
“Her passion, warmth, and unforgettable presence on stage will forever be cherished in our hearts.
“Let us come together to celebrate the incredible life she lived and the legacy she leaves behind.
“Mercy, thank you for the music, the love, and the memories. You will be deeply missed!” ayon sa official statement ng Aegis.
Ni-repost din ito ng admin ng FB account ni Mercy na may mensaheng, “It’s confirmed po, to those who are asking. I’m just waiting for the official aegis band post po before I post something like this…it feels unreal!
“As a fan, and as her sexy-tary, my heart is so broken like you. Please continue praying for my Ate Mercy’s soul po as we speak. Thank you so much for the support.”
Bago rito, nakagawa pa ng isangTiktok video si Mercy kung saan humihiling siyang ipagdasal siya ng netizens. Ayon sa kanya, matagumpay ang ginawang operasyon sa kanya kamakailan dahil sa breast at lung cancer.
Dinala raw siya sa intensive care unit (ICU) sa isang ospital matapos makaranas ng hirap sa paghinga kasunod ng pagtanggal sa namuong tubig sa kanyang baga.
Aniya, tinurukan siya ng steroids para maiwasan ang paglala ng inflammation sa kanyang baga.
Sa ngayon, nagluluksa ang kanyang mga mahal sa buhay at fans dahil sa kanyang maaga at hindi inaasahang pagyao.