Default Thumbnail

Mercury Drug nag-donate ng immuno booster products sa PNP

November 6, 2022 Marlon Purification 260 views

Marlon PurificationNABASA natin ang ‘press release’ na ipinlabas ng Philippine National Police (PNP) patungkol sa donasyon ng Mercury Drug Corporation na 39 boxes ng Provital Immuna Plus at 21 boxes ng Royale Immuno Boost Premium.

Personal itong ibinigay nina Mercury Drug Corp executives Mr. Inigo Lim at Mr. Malone Juan kina PNP chief Gen. Rodolfo S. Azurin, PNP Director for Logistics Gen. Ronaldo Olay at PNP Health Service Acting Director Col. Jezebel Media noong nakalipas na Huwebes (Nobyembre 3, 2022) sa tanggapan mismo ng Chief PNP.

Ayon kay Azurin, malaking bagay ang mga ganitong uri ng tulong na hindi lamang nagpapataas lalo sa moral ng kapulisan, kundi ay nagpapalakas pa sa resistensiya ng mga alagad ng batas.

“Let me extend the sincerest gratitude of the PNP leadership to the Mercury Drug Corporation for always providing our police officers with medical and nutritional products to boost their immunity while performing their duties, most especially during rainy season and from exposure to different infectious diseases such as COVID 19 virus,” ani Azurin.

Magagamit aniya ito ng mga pulis na gumaganap sa tungkulin, umulan at umaraw – may Covid-19 man o wala!

Ang PROVITAL Immuna Plus ay isang ‘nutritious milk’ para sa mga edad 50 years old pataas. Ito lamang ang gatas na may taglay na ‘Yeast Beta-glucan, Selenium and Vitamin C’ na lalong magpapatibay sa immune system.

Ang Royale Immuno Boost Premium ay isa namang ‘dietary food supplement’ na may

Beta Glucan (β-Glucan) na nagbibigay proteksiyon laban sa bacteria, viruses, pathogenic microorganisms, gayundin ang paglaban kontra cancer na may taglay na synergistic o anti-tumor effects sa monoclonal antibodies at cancer chemotherapeutics.

Sa ganang akin, nakatataba ng puso ang ganitong uri ng tulong mula sa mga pribadong korporasyon na tulad ng Mercury Drug.

Batid nating ang ating kapulisan – mula noon hanggang ngayon – ay 24-7 kung magtrabaho mapangalagaan lamang ang katahimikan, kapayapaan at seguridad ng ating mga kababayan.

Noong kasagsagan ng pandemya, likha ng Covid-19, marami sa atin ang kumikilala sa kagalingan, kahusayan, sakripisyo at katapangan ng ating mga awtoridad.

Ngunit dahil unti-unti nang bumabalik uli sa ‘normal,’ para bang marami na sa atin ang nakalilimot sa kabayanihan ng ating mga alagad ng batas.

Hindi ko sinasabing dapat araw-araw nating purihin ang kapulisan. Pero ang mabigyan lamang sila ng kaunting papuri, ganansiya at atensiyon ay sapat na!

Ang simpleng pasalamat ay malaking bagay upang dalhin iyon sap ag-uwi sa kani-kanilang pamilya.

Higit na nakatataba ng puso ay kung may mga ganitong uri ng donasyon na hindi dapat pera kundi isang produktong alam nating makatutulong sa kanilang moral at pangkalusugan.

Sana, marami pang malalaking kompanya na tulad ng Mercury Drug Corporation, ang tumulong sa ating kapulisan, gayundin sa Armed Forces of the Philippines (AFP), mula sa tinatawag nilang Corporate Social Responsibity (CSR).

Binibigyan natin sila ng kaunting tulong hindi para sila ay i-corrupt at suhulan, kundi bilang ipakita kung gaano sila kahalaga sa bayan.

Dahil ang makabagong bayani na tulad ng ating mga alagad ng batas ay nangangailangan din ng kaunting atensiyon na hindi nila hinihingi kundi ibigay natin ng kusa.

Muli, mula sa mga kaibigan natin sa PNP, maraming salamat po, Mercury Drug!

Sumasaludo po tayo sa kompanyang may kataga na sa ‘Mercury Drug, Nakasisiguro, Gamot ay Laging Bago!’