Menor de edad patay sa Tondo riot, 1 sugatan

October 14, 2021 Francis Naguit 244 views

PATAY ang isang menor de edad matapos barilin sa naganap na riot Huwebes ng madaling araw sa Tondo, Manila.

Sa inisyal na ulat ng MPD-PS 2, kinilala ang biktima na si John Mark Molina alyas Dennis, 14, out of school youth at nakatira sa Pasilio 1, Central Market, Fugoso St., Sta,Cruz,Maynila.,at sugatan ang nakilalang Jomar De Jesus, 17,ng Quiracada St., Sta Cruz.

Naitakbo pa sa Jose Reyes Memorial Medical Center sa Sta Cruz ang biktima ngunit hindi na rin nagawang maisalba ng mga mangagamot.

Habang isinusulat ang nangyaring insidente ay hindi pa batid ng pulisya kung sino-sino ang mga sangkot sa nasabing riot.

Ayon sa report ng mga kapulisan, nangyari ang insidente batay sa inisyal na ulat ng pulisya sa kahabaan ng northbound lane ng Jose Abad Santos Avenue na sakop ng Brgy. 252, Tondo.

Patuloy naman ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng mga kapulisan ng MPD kaugnay sa nangyaring riot. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE