Default Thumbnail

Menor de edad namaril, arestado

June 30, 2023 Jonjon Reyes 376 views

NANGANGAMBA ang Manila Police District sa nangyaring pamamaril ng isang 17 anyos sa isang vendor sa Tondo kamakailan.

Ayon kay MPD Director P/Brig.General Andre Dizon, dapat magabayan at mabantayang mabuti ng mga magulang ang kanilang mga anak upang maiwasan ang anumang kalunos-lunos na insidente gaya ng pamamaril ng 17 anyos na si alyas ‘JB’ sa vendor na taga Tondo, Manila.

Sinabi ni Gen. Dizon na maituturing na game changer ang pamamaril ng suspek kay Rolando Francisco y Abordo, 33, binata ng 1832 Maharlika St., Tondo, Manila.

Idineklarang dead-on-arrival sa ospital si Abordo habang naaresto si JB sa follow-up operation ng pulisya.

Batay sa imbestigasyon ng MPD-Homicide Section, sa pamumuno ni Police Capt. Turla, nakikipagkwentuhan lamang ang biktima sa isang hindi nakilalang indibidwal nang sumulpot ang suspek saka pinagbabaril ang biktima.

Ayon kay PSMS Boy Niño Baladjay, imbestigador ng MPD-Homicide Section, agad na tumakas ang suspek matapos ang insidente.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen upang malaman kung may iba pang kinasangkutang kaso ang suspek na menor de edad.

AUTHOR PROFILE