
Melai namangha sa pagmamahal ni Ogie kay Regine
Hangang-hanga si Melai Cantiveros sa nakita niyang pagmamahal ni Ogie Alcasid sa misis nitong si Regine Velasquez.
Nanood ang Kapamilya TV host/comedienne ng second night ng “Reset” concert ng Asia’s Songbird last Saturday (Feb 15) at labis siyang na-touch sa kanyang nasaksihan kay Ogie.
Kinunan ni Melai ng video si Ogie habang kumakanta si Regine ng madamdaming cover song at aniya sa caption, nakita niya ang ‘divine’ na pagmamahal ng OPM singer/songwriter sa misis nito.
Sa video ay makikitang seryosong nanonood si Ogie sa misis niya habang nagpe-perform.
Ayon kay Melai, tahimik na nagdarasal si Ogie for his wife habang ito’y nagpi-perform.
“Kagabi nawitness ko ang divine na pagmamahal ni kuya Ogie @ogiealcasid kay MomshieReg @reginevalcasid kitang kita nmin na silently praying sa wife nya habang kumakanta cheering in praying,” pagbabahagi ng celebrity mom.
“And this song na ki-Nover from southborder ni momshiereg is song dedicated nya for kuya Ogs nung time na di pa sila public, and Ngayun? they support and praying each other loudly and lovely,” patuloy ni Momshie Melai.
Puring-puri rin niya ang concert ni Regine na sa sobrang ganda raw at para siyang nanalo sa lotto.
“Sobrang ganda ng #ResetCover ni momshiereg, sorry guys di ko sa iniinggit para kaming nanalo sa lotto taga birit ni momshiereg sorry guys sana natunghayan nyu. Congrats Momshiereg labyu #oneforthebooks,” pahayag ni Melai.
Samantala, nag-post din ng pagbati si Ogie para sa kanyang pinakamamahal na wifey.
“She was at her absolute best. I kid you not. The standard she upholds for her herself is awe inspiring and her fortitude to always have outstanding performances for her beloved fans is truly incredible. Behold this treasure we have called Regine and be Reset. Congratulations my love. @reginevalcasid ,” sey ni Ogie.