Melai

MELAI, NAKA-RELATE SA DILEMMA NI GLADYS

August 9, 2023 Vinia Vivar 227 views

Naka-relate si Melai Cantiveros sa nararamdaman ni Gladys Reyes kapag sinasabi ng mga tao na walang ginagawa ang kanyang mister na si Christopher Roxas.

“’Di ba, minsan, ‘pag pareho kayong artista, tapos porke hindi visible ‘yung isa, halimbawa lang, sa TV, ‘kala nila, walang ginagawa, ‘kala nila, hindi busy,” emosyonal na sabi ni Gladys nang mag-guest sila ni Christopher sa Magandang Buhay.

Ayon kay Gladys, hindi alam ng mga tao na may ibang career ang kanyang mister.

“May ibang career ‘yung asawa ko, may ibang ginagawa. Siya ‘yung sa negosyo na part, siya ‘yung stability, siya ‘yung pang-future talaga, para do’n sa mga anak namin,” aniya.

Hirit i Melai, biktima rin siya ng ng ganitong thinking ng mga tao at naaawa siya sa mister na si Jason Francisco.

“Pero hindi n’yo ba alam, ang pinaka-nasasaktan ay ‘yung asawa? ‘Pag ginagawa niyo ‘yan sa mga asawa namin. So, huwag na huwag n’yong gagawin kasi ang mga asawa namin is may mga career,” sabi ni Melai.

Tulad ni Christopher, may iba rin daw career si Jason.

“Importante sa mag-asawa ‘yung individuality na career. ‘Yung hindi ‘yung porke’t ako artista, wala na siyang ginagawa. Meron din siyang ginagawa na hindi naman niya kailangang sabihin sa inyo,” sabi pa ng comedienne/TV host.

AUTHOR PROFILE