Melai

Melai Cantiveros nakuha ang 2 best gifts

December 17, 2023 People's Tonight 315 views

MATAPOS ang nakakatawang paandar ng komedyante na si Melai Cantiveros sa Asian Artist Awards, nagbahagi naman siya ng post kung saan grateful umano siya sa dalawang malaking regalong natanggap niya ngayon taon.

Ang dalawang regalo na tinutukoy ni Melai ay ang kanyang direktor at boss sa palabas na “Ma’am Chief: Shakedown in Seoul.”

Aniya, “Sa dalawang best gift sa akin ni Lord ngayong taong 2023, my Direktor and Boss na kaibigan ko na rin ng tunay.

The best nga para sa Asian Artist Best Actress na si Melai ay kanyang direktor na si Kring Kim at boss na si Hapee, dahil lagi itong naka-suporta, naka-gabay, at nakakasabay sa kanyang trip.

“Una Sa aking mahal, favorite na direktor @kringkim na super ko swerte at di ko lang direktor kaibigan na at talagang maituturing kong anghel na laging gabay at suporta at ‘di matatawaran , at kasangga ko sa kiat kiat ko,” saad pa ng komedyante.

AUTHOR PROFILE