
Melai Cantiveros iflinex ang movie sa Korea
PROUD na ibinida ng aktres at komedyante na si Melai Cantiveros ang karakter niya sa pelikulang “Ma’am Chief” na kinuhanan sa Korea.
“Guys matagal ko na gusto i-share ‘to sa inyo. At ito na, ma-share ko na sa wakas. Pakilala ko lang sarili ko ako si #Maam Chief at your service na tinutukoy sa post na shooting sa Korea, and talaga naman, Thank you Lord sa @pulpstudiosph. sa tiwala saakin na bumida sa first ever movie ko na shinoot sa ibang bansa “Koreaaaa” Kamsamiii , itong movie na ito is brought to us by @pulpstudiosph Inang @happeehour and directed by Madam Kring @kringkim,” pagbabahagi ni Melai.
Dagdag pa niya, sobrang blessing ito para sa kanya dahil bukod sa pagpasyal niya sa Korea ay bumida pa siya sa isang proyekto.
“Sobrang best blessing ever tu ni Lord sa’kin, at simula ngayon maglalabas ako ng mga pics and behind the scenes photo ng mga kasama ko sa Korea. With Korean Crews and staff and co actors and actresses. Amazing ang experience namin talagang One for the Books? Or One of the books?? Kayo nalang bahala total matatanda naman na kayo. Soon “MaamChief” in theaters,” pagbabahagi pa ng aktres.