ANO YAN?–Sinita at tinikitan ng mga kagawad ng Metro Manila Development Authority ang mga sagabal na truck at mga kuliglig sa Delpan Bridge noong Martes. Kuha ni Jon Jon Reyes
Mel Lopez Blvd nilinis; trak, kuliglig nabulabog
NAGSAGAWA ng clearing operation ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa Mel Lopez Boulevard na dating Road 10 sa Tondo, Maynila noong Martes.
Sinita at tinikitan ang mga sagabal na trailer truck habang naghihintay ng mga kargamento sa Delpan Bridge.
Ganon din ang ginawa sa driver ng mga kuliglig at motorsiklo na walang permit at mga walang helmet.
Umabot ang road clearing sa Pritil St. papuntang Kapulong St. sa Tondo.