Mel

Mel, bawal interbyuhin ni Korina

November 19, 2022 Ian F. Fariñas 400 views

WALANG isyu sa pagitan nila ni Korina Sanchez.

Isa ‘yan sa mga fake news na nilinaw ng batikang broadcast journalist na si Mel Tiangco sa katatapos na mediacon para sa 20th anniversary ng kanyang drama anthology, Magpakailanman, sa GMA-7.

Hindi nga raw alam ni Tita Mel kung saan nanggaling ang tsikang hindi sila in good terms ng kanyang dating kapwa-Kapamilya.

“You know, there never was anything with me. With me, there was never anything, my dear. I don’t know where that comes from, pero wala talaga,” pahayag niya.

Nagkita pa nga raw sila sa Rome at kahit na ang layu-layo niya, tumatakbo pa siyang nilapitan ni Korina sabay sabing, “Mama Mel! Mama Mel!”

“O, lumapit pa siya, o. Hindi ko alam bakit. Kung minsan nga, ‘yun ang sinasabi ko, may mga negative na ano, ’di ba? Mga negative na ano, ako mismo nagugulat na ‘ha? may ganito pala?’ Sa’n ba nanggaling yon? Eh, wala naman,” dagdag niya.

Pero unlike Karen Davila na in-interview ni Korina para sa kanyang Net25 show, bawal makipag-one-on-one si Tita Mel sa dating kasamahan.

“You know, ang problema diyan is ‘pag ako, hindi naman ako pwedeng lumabas sa ibang network. It’s very strict, it’s in my contract. Any platform, hindi ka pwede. One hundred percent, hindi pwede ‘yon, eh,” paliwanag niya.

Pero to set the record straight, maayos nga raw ang relasyon nila ni Korina.

Samantala, isa ang bagong Kapusong si Bea Alonzo sa mga bigating guest na bibida sa 20th anniversary offering ng MPK na mapapanood tuwing Sabado hanggang first week ng December.

Bale finale ang episode ni Bea na medyo nahirapang mag-schedule ng taping dahil sa Start-Up PH. Bukod kay Bea, guests din sa MPK anniversary month sina Gina Alajar, Dave Bornea, Joaquin Domagoso, Kim de Leon, Sanya Lopez, Neil Ryan Sese, Jason Abalos, Dion Ignacio, Jon Lucas, atbp.

Ni-launch din sa 20th anniversary mediacon ang bagong theme song ng MPK na isang linggo raw pinagpuyatan ng anak ni Tita Mel na si Wency Cornejo, dating vocalist ng bandang After Image.

AUTHOR PROFILE