
Mekaniko binoga sa ulo sa Tondo, dedo
PATAY ang 36-anyos mekaniko ng motorsiklo matapos barilin sa ulo ng di pa nakilalang suspek sa Building 3 Permanent Housing sa Tondo, Manila, 11:30 p.m. ng Linggo.
Nakilala ang biktima na si Jed Justine Arao.
Ayon sa report ni Police Capt.Dennis Turla, hepe ng MPD Homicide Section, lumabas sa inisyal na imbestigasyon na inaayos ng biktima ang kanyang motorsiklo nang barilin ito.
Isinugod ang biktima sa Tondo Medical Center ngunit idineklarang dead on arrival ni Dr. Benroi Quequegan.
Patuloy ang follow-up na imbestigasyon para maaresto ang hitman.