Mega Vitamin J
KUNG magiging bitamina man ang Vivamax actress na si Chloe Jenna, sure na tatawagin ito ng netizens na Vitamin Jenna dahil mapapa-“j” talaga ang mga kelot sa juiciness ng kanyang alindog.
Sa kanyang Instagram page, nabuhayan ang kanyang followers sa ginawang pagpapainit ng sexy star mula sa larawang kanyang ibinandera.
Kung mabibigyan lang siguro ng pagkakataon ang kanyang male fans, talagang sisimutin nila sa paghigop ang lahat ng enerhiyang mayroon ang hot actress.
Talaga namang mabubuhayan ang kahit na sinong barako sa apaw na sex appeal ng hot actress habang suot niya ang kanyang two-piece bikini.
Tinapatan ng kakinisan ni Chloe ang maliwanag na panahon. Walang bahid ng kahit na anong kadiliman ang balat ng bebot.
Patok na naman sa zoom in ang kumaway na singit at cleavage ng sexy star at mapuputi niyang mga hita. Pati ang sizzling abs ni Chloe, tila apoy na nakakapaso sa dala nitong hotness.
Nag-ala marshmallow na dahan-dahang natutunaw sa apoy ng kanyang alindog ang mga kalahi ni Adan sa comment section ng post.
Tinupok ng fire emojis at hearts ang larawan ni Chloe.
Maging ang kanyang kapwa Vivamax actress na si Aila Cruz napa-react din sa kanyang charm.
Nakilala si Chloe sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Eva (2021), Virgin Forest (2022), Lampas Langit (2022), #DoYouThinkIAmSexy? (2022), Nightbird (2023), Boso Dos (2023), Patikim-tikim (2023), at Wild Flowers (2023).