Medical MISSION–Nag-donate ang mga miyembro ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. at mga pulis ng tulong medikal para sa mga residente ng Brgy. 128.habang nakamasid sina Maj. General Okubo at Police Brig. Gen Andre Dizon sa mga nagpapakonsulta. Kuha ni Jon Jon Reyes

Medical, dental mission sa Tondo tagumpay

July 9, 2023 Jonjon Reyes 579 views

Medical1TAGUMPAY ang isinagawang medical at dental mission sa Tondo, Manila noong Sabado ng umaga.

Umabot sa 250 ang mga nakilahok at nakinabang sa nasabing programa.

Isinagawa ang mission bilang bahagi ng MPD kaugnay ng Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB) Program.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Wilfredo Fabros, Jr., station commander sa naturang lugar, naganap ang programa sa covered court ng Paradise Heights Permanent Housing na sakop ng Barangay 128

Kaagapay si Police Captain Renz Krizztofer Figueroa, hepe ng Smokey PCP, kasama ang Raxabago Police Station sa pagsasagawa ng mission.

Nagpakalat si Fabros ng kanyang mga tauhan para matiyak ang seguridad habang nagsasagawa ng medical at dental mission.

Personal na dumalo si dating NCRPO Chief Police Maj. General Edgar Allan Okubo sa naturang okasyon.

Naroon din si “The Game Changer General” MPD chief Police Brigadier General Andre Dizon na nanguna sa dental at medical mission.

Tumulong din sa programa sina Myrna J. Reyes, pangulo ng Donate Philippines, Police Major Rowena Jacosalem ng NCRPO at Punong Barangay Sigred Bobby Hernale kasama ang mga membro Ng FFCCCII.

Ayon kay Police Major Philipp Ines ng Public Information Office (PIO), suportado nina Dizon at ng bagong hepe Ng NCRPO na si P/Brig. Gen Jose Melencio Nartatez Jr. ang isinagawang medical at dental mission.

Nagtapos ang programa dakong alas-5 ng hapon.

AUTHOR PROFILE