Chiz

Me waiter? Maginoo lang po — Chiz sa mga kritiko

June 13, 2024 PS Jun M. Sarmiento 286 views

IPINAGKIBIT-balikat lang ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang mga kantiyaw sa social media na nagmukha siyang waiter dahil sa video na uminom si First Lady Liza Araneta Marcos sa wine glass na hawak-hawak niya sa isang selebrasyon sa Malacanang.

Ayon kay Escudero, hindi mag aalangan ang isang maginoo at hindi ituturin na kahinaan ang pagpakita ng pagrespeto sa lahat ng tao lalo na sa kababaihan.

Nangyari ang insidente noong Araw ng Kalayaan sa Vin d’Honneur na itinuturing na pagbibigay pugay para sa mga Pilipino ng mga lider na imbitado bilang bahagi ng selebrasyon.

Nangyari ang insidente sa gitna ng selebrasyon kung saan imbitado ang iba’t-ibang foreign dignitaries kasama rin ang iba’t-ibang matataas na lider ng bansa sa pangunguna ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Para kay Escudero, wala siyang masamang nakita sa ginawa ng Unang Ginang dahil bahagi iyon ng selebrasyon at kasiyahan.

“I consider waiting on a lady (first or otherwise) to be gentlemanly,” ani Escudero.

“Maaring sabihin ng iba na maka luma o parang under pero para sa akin, hindi kailanman magiging makaluma o hindi na uso o ano man ang itawag ng iba, ang pagiging maginoo at pakikipag kapwa tao,” paliwanag ni Escudero.