Default Thumbnail

MDTEU pinaalala mga saradong kalye sa mga araw ng Bar exams

November 6, 2022 Jonjon Reyes 438 views

IPINAPAALALA ng pamunuan ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) sa mga motorista na iwasan muna pansamantala ang mga kalye sa paligid ng San Beda University sa San Miguel at De La Salle University sa Taft Avenue Malate dahil sa apat na araw ng pagsususlit ng bar exam ngayon taon 2022.

Ayon kay Police Major Anthony Olgado , hepe ng MDTEU, dahil na rin sa direktiba ni MPD- Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon katuwang ang pamahalaang Lungsod ng Maynila ni Mayor Honey Lacuna, ang pagsasara ng mga sumusunod na kalsada malapit sa San Beda, sa November 9, 13, 16, at 20 ay ang Mendiola Street; Concepcion Aguila Street, na accessible lamang sa mga awtorisadong sasakyan (mga residente sa lugar) at sa 1st, 2nd, 3rd, at 4th Streets.sa nasabing lugar.

Hindi rin madadaanan pansamantala ang kahabaan ng Taft Avenue northbound at southbound malapit sa La Salle University habang nagsasagawa ng pagsusulit

Ang pagsasara sa mga kalsada ay mula hatinggabi hanggang alas 11 ng gabi sa araw ng pagsusulit.

Para sa iba pang impormasyon, maaring bisitahin ng publiko ang https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=445381104442350&id=100069113923869&mibextid=nxlvZT
upang makita ang mga apektadong kalsada at alternatibong ruta na isasara sa lungsod ng Maynila..

AUTHOR PROFILE