Default Thumbnail

MCJ detainee kalaboso ulit sa ‘murder’

January 13, 2023 Jonjon Reyes 210 views

KAKAHARAPIN pa ng isang 22-anyos na inmate, matapos isilbi ang kanyang paibangong arrest warrant ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) Sta. Mesa Police Station (PS) 8 sa loob mismo ng Manila City Jail (MCJ) sa Quezon Boulevard, Sta. Cruz, Maynila, dahil sa kasong “attempted murder,” Huwebes ng hapon, Enero 12, 2023.

Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Dionnelle Brannon, commander ng MPD PS 8, pasado ala-1:00 ng hapon ng puntahan ng mga kapulisan ang suspek sa nasabing kulungan upang isilbi ang arrest warrant sa loob ng selda sa MCJ.

Ang naturang paghain ng nasabing bagong kaso ng suspek ay batay sa direktiba ni P/Lt. Col. Brannon sa kanyang mga tauhan kasama ang Warrant and Subpoena Section sa pamumuno ni P/Cpt. Mark Anthony Manuel ng Regional Investigation Division ng NCRPO (National Capital Region Police Office), nang magtungo sa MCJ.

Ang warrant ng nasabing kaso ay inisyu ni Presiding Judge Roy Ginorella, ng Regional Trial Court Branch 43 ng Maynila na may petsang Nobyembre 24 , 2022 na may piyansang P120,000.

Ayon sa rekord ng pulisya, nakulong na si Castro noong Oktubre 25, 2022 dahil sa kasong alarm and scandal at paglabag sa Republic Act (RA) 10591 (Illegal Possesion of Firearm and Ammunitions.)

Ayon naman kay P/Maj. Philipp Ines, hepe ng Public Information Office (PIO) ng MPD, nagpaabot ng pasasalamat at pagbati si MPD Director P/Brigadier Gen. Andre P. Dizon kay Brannon kasama ang kanyang mga tauhan ng MPD PS 8 dahil sa pagkakaaresto sa suspek at pagsunod sa pinaiiral ang Simultaneous Anti- Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO).

AUTHOR PROFILE