Rider Tinutulungan ng mga miyembro ng Manila Disaster and Risk Reduction Management Office ang mga biktima na pumailalim sa truck. Kuha ni JONJON C. REYES

MC riders nasagi ng truck, malubha

September 15, 2022 Jonjon Reyes 261 views

MALUBHA ang dalawang magkaangkas sa motorsiklo makaraang masagi ng truck na cement mixer at pumailalim sa nasabing sasakyan sa panulukan ng Taft Avenue at Malvar St.Ermita,Manila, Miyerkules ng gabi.

Kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Philippine General Hospital (PGH) ang mga biktima na nakilalang sina Ireneo Ancheta, driver ng Honda XRM (0201557814 ) at Jonathan Royopa.

Samantala isinasailalim sa interogasyon ng Manila District Traffic Enforcement Unit ang driver ng truck na si Ronie Quintana, driver ng truck na cement mixer na may plate no. na (UOX873)

Base sa imbestigasyon ni PCMS Jun Jun Jasminez ng MDTEU naganap ang insidente bandang 8:45 p.m. sa nasabing lugar.

Ayon sa report, binabagtas ng mga biktima at ni Quintana ang kahabaan ng northbound lane ng Taft Avenue nang mangyari ang akisdente.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to physical injury at damage to property ang suspek na kasalukuyang nakakulong sa Manila District Traffic Enforcement Unit.

AUTHOR PROFILE