MC rider natusok ng kawayan na karga ng truk, patay

May 15, 2021 People's Tonight 305 views

NAGMISTULANG eksena sa pelikulang Final Destination ang trahedyang sinapit ng isang motorcycle rider noong Byernes sa Capiz.

Ayon sa isang TV report, papasok na sa opisina ang biktima lulan ng motorsiklo nang bumangga ito sa trak na may kargang kawayan.

Ang 20 anyos na biktima ay natusok sa hita ng isa sa mga kawayan na nakausli sa trak na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Nadala pa ang biktima sa ospital ngunit binawian din ng buhay.

Ang biktima ay patungong Roxas City nang mangyari ang aksidente Biyernes ng madaling araw sa Barangay Ondoy sa Ivisan, Capiz.

Pinaniniwalaan ng mga otoridad na marahil ay hindi napansin ng biktima ang trak dahil madilim ang lugar na pinangyarihan ng aksidente. Tonight monitor

 

AUTHOR PROFILE