Default Thumbnail

MC backrider dedo sa banggaan

October 4, 2023 Jojo C. Magsombol 78 views

DEAD on arrival sa ospital noong Sabado ang backrider at sugatan ang drayber matapos aksidenteng makabaanggaan ng kanilang sinasakyang motorsiklo ang isang van sa kahabaan ng JP Laurel National Highway, sa Bgy. Darasa, Tanauan City, Batangas.

Kinilala ng Tanauan City police ang nasawi na isang 29-anyos na production operator, at residente ng Bgy. Masalukot 1, Candelaria, Quezon.

Sugatan ang driver na nakilalang isang 31-anyos na production technician, binata, at nakatira sa Poblacion 1, Alaminos, Laguna.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na ang drayber kasama ang backrider ay sakay ng itim na Yamaha Mio 125 model 2015 motorcycle na may plakang DD56598 dakong alas-2 ng madaling-araw ng Setyembre 30, 2023, at tinatahak ang nasabing highway patungong Malvar nang aksidenteng makabanggaan ang isang Isuzu close van truck na may plakang No. CBX- 7372 MV2 at minamaneho ng isang 32-anyos na binata, tubong Pola, Oriental Mindoro at naninirahan sa Bgy. Manuyo 2, Las Piñas City, Metro Manila.

Sugatan ang dalawang sakay ng motorsiklo at agarang isinugod sa ospital para magamot, subalit ang backrider ng motorsiklo ay idineklara na dead on arrival ni Dr. Fabros, ang sumuring doctor ng Healthway DMMC habang walang pinsala ang driver at pasahero ng van.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng kapulisan.

AUTHOR PROFILE