Mayora Ynares: Tax, fees, school charges waived pa rin sa 2022

November 30, 2021 People's Tonight 99 views

INANUNSYO ni Antipolo City Mayor Andrea “Andeng” Ynares na –wawaive muli ng City Government ang mga tax, fees and iba pang charges sa mga paaralan, katulad ng business permit renewal para sa taong 2022.

Ayon kay Mayora Ynares, naintindihan nila ang kalagayan ng mga eskwelahan na lubos at patuloy na naapektuhan ng pandemya ng dulot ng COVID-19.

“Isa sa mga naapektuhan ng pandemic ang mga private schools sapagkat kasama sa pagkawala ng face-to-face classes, naapektuhan din ang kanilang income na inilalaan sa pagsasaayos ng mga facilities, pang-sweldo sa mga guro at staff, at iba pang gastusin. Ang ibang private schools ay pinili na din mag sara pansamantala…. na magdudulot ng lalong pasisikip sa ibang paaralan sa oras na manumbalik ang face to face,” sinabi ni Mayora Ynares.

Ito aniya ang dahilan kayat nagdesisyon ang city government na tumulong sa paraang makakaya sa mga eskwelahan, dahil naniniwala si Mayora Andeng na malaking papel ang ginagampanan ng pag-aaral sa paghubog sa mga kabataan.

“Tulad noong 2021, minabuti nating i-waive muli ang lahat ng mga tax, fees at charges na kasama sa business permit renewal para sa taong 2022,” sinabi nito.

“Ibig sabihin po nito, walang muling babayarang tax sa Business Permit Renewal. Waived na din po ang mga fees at charges na kailangang bayaran sa pagrerenew ng business permit,” dagdag pa ni Mayora Ynares.

Pero nilinaw ng alkalde na ibang usapin ang Fire Safety Inspection Fee (BFP) at Barangay Clearance Fee dahil ang mga ito ay hindi sakop ng local government.

Naunang sinabi ng Coordinating Council of Private Educational Associations (Cocopea) na ang enrollment sa private schools Sa School Year 2020-2021 ay bumagsak ng 50 porsyento o 2 million na estudyante, habang 400,000 private school students ang lumipat sa public schools, base sa data ng Department of Education.

Sinabi ni Cocopea Managing Director Joseph Noel Estrada na ang paglipatg sa distance ay nagresulta sa pagbaba ng enrollment at shutdown ng ilang pribadong paaralan.

AUTHOR PROFILE