Lacuna NEW SCHOOL–Pinangunahan nina Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan, Vice Mayor Yul Servo Nieto at Cong. Ernix Dionisio ang groundbreaking ng Emilio Jacinto Elementary School sa Tondo, Maynila. Nakiisa sina City Engineer Armand Andres, mga konsehal at mga opisyal ng paaralan na sina Pepito Balmoris, Schools Division Superintendent Rita Riddle at EJES Principal Minerva Rosco sa okasyon.

Mayor, vice mayor ng Manila nanguna sa school groundbreaking

December 7, 2023 Edd Reyes 100 views

PINANGUNAHAN nina Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan at Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto ang groundbreaking ng itatayong Emilio Jacinto Elementary School noong Huwebes sa Tondo, Maynila.

Sinabi ng alkalde na ito na ang ikalawang pagkakataon na pangunahan ang groundbreaking ceremony sa loob ng isang linggo.

Unang nag-ground break noong Biyernes sa Aurora A. Quezon Elementary School sa Malate, Manila.

“Ito po ay bahagi ng ating pagsisikap o pagsisikap ng ating pamahalaan na matugunan natin ang mga pangangailangan ng mga batang Manilenyo sa kanilang pag-aaral sa ating mga pampublikong paaralan.

Saan ka ba naman nakakita, pampublikong paaralan nga, pero mga de kalidad na mga pampublikong paaralan ang ating ipinatatayo,” pahayag ng alkalde.

Tiniyak niya na bago sumapit ang Pasko, pasisinayaan ang 10-palapag na gusali ng Manila Science High School sa Taft Avenue at susundan ng Rosauro Almario Elementary School, Dr. Albert Elementary School.

Inaasahan na rin nila na sa susunod na taon ang Ramon Magsaysay High School.

Ayon pa kay Mayor Honey, kapag natapos na ang gusali, magkakaroon ito ng 35 fully air-conditioned na silid aralan, tatlong science laboratories, silid ng home economics, tatlong TLE rooms, faculty room, library, social hall at outdoor sports sa roofdeck.

Umapela rin ang alkalde sa mga faculty members at mga kawani ng paaralan na gawin ang lahat upang maging maayos at mapangalagaan ang mga pasilidad ng paaralan para mapakinabangan ng mga estudyante na mag-aaral dito sa hinaharap.

AUTHOR PROFILE