Honey Lacuna-Pangan at Yul Servo Nieto Namahagi sina Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan at Vice Mayor Yul Servo Nieto ng mga ‘cash cards’ sa mga benepisaryo ng ‘Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa’ program, Martes, Enero 31. Kuha ni Jon-jon Reyes

Mayor Honey, VM Yul Servo namahagi ng cash cards

February 3, 2023 Edd Reyes 263 views

PINANGUNAHAN nina Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan at Vice Mayor Yul Servo Nieto ang pamamahagi ng cash cards sa ilalim ng programang “Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa” sa Manila City Hall.

Ang naturang programa, ayon kay Mayor Honey ay bahagi ng proyekto ng Department of Trade and Industry (DTI) na naglalayong mabigyan ng karagdagang puhunan ang mga piling maliliit na negosyante na naapektuhan ang kabuhayan sa kasagsagan ng pandemiya.

Ang bawat benepisaryo mula sa iba’t-ibang barangay sa Lungsod ng Maynila ay pinagkalooban ng tig-P10,000 na magagamit nila bilang karagdagang puhunan sa kanilang maliit na negosyo.

Umabot sa 100 mga piling benepisyaryo ang tumanggap ng cash cards na pawang nagmamay-ari ng maliliit na negosyo tulad ng sari-sari store, parlors, carinderia, at iba pa na halos nasaid ang puhunan bunga ng dalawang taong pandemiyang idinulot ng COVID-19.

Karamihan sa mga benepisyarong tumanggap ng cash cards ay sumailalim sa orientation seminar na naglalayong mapalago ng husto ang maliit nilang negosyo.

Umaasa naman sina Mayor Honey Lacuna-Pangan at Vice Mayor Yul Servo Nieto na makakatulong kahit papaano sa mga benepisyaryo ang ibinahagi sa kanilang karagdagang puhunan upang mapalago ang maliit na maliit na negosyo.

AUTHOR PROFILE