Default Thumbnail

Mayor Honey, VM Yul Servo lumagda sa MOA sa pagitan ng Lalamove

October 12, 2022 Edd Reyes 285 views

UPANG mabigyan ng malaking oportunidad sa pagkakaroon ng hanapbuhay ang mga Manilenyo, pumasok ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa isang kasunduan sa Lalamove, isang kompanyang nagkakaloob ng paghahatid ng produkto sa mismong tahanan o tanggapan sa pamamagitan ng kanilang mobile at web apps.

Pinangunahan nina Manila Mayor Maria Sheila “Honey” Lacuna-Pangan, Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto at Secretary to the Mayor Atty. Marlon Lacson ang paglagda sa “memorandum of agreement” (MOA) sa pagitan nila nina Lalamove Managing Director April Dannah Majarocon, Head ng Regulatory and Strategy Atty. Joy Cañeba, External Affairs Associate Joan Luzuriaga, at ni Compliance Officer Regine Dalistan na ginanap nito lamang Martes ng hapon sa Bulwagang Antonio Villegas sa Manila City Hall.

Sinabi ng alkalde na sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) na pinamumunuan ni Director Fernan Bermejo, ang mga aplikanteng nagnanais magkaroon ng trabaho ay may malaki ng oportunidad at pagsasanay na ipagkakaloob mismo ng Lalamove.

“What we hope to achieve with this partnership is to able to reach more people, especially those that have not yet had the chance to grow their business or to earn [a] livelihood through Lalamove,” pahayag ni Managing Director April Dannah Majarocon matapos ang ginanap na paglagda.

Nagpahayag naman ng kanyang pasasalamat si Mayor Lacuna-Pangan sa kumpanya dahil sa kanilang ipinagkaloob na tulong sa Maynila na noon pang bago mag-pandemiya ay kanila ng isinasagawa.

“You’ve given a lot of Manileños a lot of opportunity to earn, lalo na po na we’re just starting again na makaangat mula sa pandemic,” dagdag pa ni Mayor Lacuna-Pangan.

Nakasaad sa naturang kasunduan na magkakaroon ng malaking oportunidad ang mga residente ng Lungsod ng Maynila na magtrabaho para sa kanilang pamilya sa pamamagitan ng courier service ng Lalamove.

AUTHOR PROFILE