Lacuna

Mayor Honey, VM Yul, Cong. CRV dumalo sa UdM campus groundbreaking sa Tondo

October 17, 2024 Edd Reyes 135 views

DUMALO sina Manila Mayor Honey Lacuna, 2nd District Congressman Rolando “CRV” Valeriano at Vice Mayor John Marvin “Yul Servo’ Nieto sa groundbreaking ng itatayong bagong campus ng Universidad de Manila (UdM) noong Huwebes sa Vitas, Tondo.

Pinasalamatan ni Mayor Lacuna si Cong. CRV dahil napapanahon ang tulong ng kongresista lalu’t nagbabayad pa sila ng P17.8 bilyong utang sa mga ipinatayong imprastraktura ng dating alkalde na butata sa presidential elections noong 2022.

“So far, we have paid P2.5 billion to the banks and we will keep paying for 15 to 20 years,” sabi pa ng alkalde.

Ang bagong gusali ng UdM na gagastusan ng P400 milyon itatayo sa 1,500 metro-kuwadradong lupa sa Brgy. 101 sa Tondo na idinisenyo para sa 10-palapag na may 48 silid-aralan, 15 multi-function rooms at multi purpose gymnasium na inaasahang matatapos sa huling bahagi ng 2026.

“We appreciate valuable help from our ranking Manileño lawmakers. Sa tulong nina CRV, Cong. Joel Chua, Cong. Edward Maceda, Cong. Irwin Tieng at Cong. Benny Abante nagagawa namin sa City Hall na makatutok sa paghahatid ng social services sa bawat Manileño,” sabi ng alkalde.

Sinabi ni Cong. CRV na ang itatayong UdM campus makasaysayan para sa mga taga-Tondo, sa Kongreso at maging sa Maynila dahil ngayon lang magkakaroon ng unibersidad sa Tondo.

“We also thank House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, Appropriations Committee Chair Elizaldy Co, and our colleagues in the House and the Senate for the literal votes of support that made the P400 million funding possible,” dagdag pa niya.

Maging si UdM President Felma Carlos-Tria nagpaabot ng pasasalamat sa alkalde, kay Cong. CRV at bise alkalde dahil mayroon silang 10,490 na mga estudyante na gumagamit sa 37 silid-aralan sa main campus ng pamantasan.

“Ang nangyayari po maagang maaga kaming nagsisimula. Hanggang gabi po ang klase at hanggang Linggo.

Pinagkakasya po namin at doon po sa annex na sana po Center for Micro Credentialing and Industry Training, naging extension na rin po siya ng main campus sa kagustuhan namin na marami tayong matanggap na estudyante,” sabi ni Tria.

AUTHOR PROFILE