Olympics

Mayor Honey umaasa marami pang Olympic gold medalist mula Manila

August 13, 2024 Edd Reyes 113 views

UMAASA si Manila Mayor Honey Lacuna na marami pang mga kampeon ang magmumula sa Maynila at susunod sa yapak ni Carlos Yulo na nakasungkit ng dalawang medalyang ginto sa 2024 Paris Olympics.

Inihayag ng alkalde ang kanyang paniniwala sa pagbibigay pugay sa 95 atleta at 52 coaches at assistant coaches na lumahok sa Palarong Pambansa 2024 sa Cebu City Sports Complex mula Hulyo 9 hanggang Hulyo 16.

Nagbigay ng P685,000 cash incentives ang mayor sa mga Manilenyong lumahok sa Palaro.

“I wish you all success. Hopefully, you will be like our national athletes, and in the upcoming Olympics, it will be your turn to wave our flag,” sabi ng alkalde sa mga atleta.

Samantala, inaayos pa ng Malacanang ang detalye ng hero’s welcome para sa mga Manilenyong miyembro ng Philippine Olympic team galing sa Paris na sina Carlos Yulo at Ernest John Obiena.

Tatahak sa Roxas Boulevard at Taft Avenue ang parada na magtatapos sa Rizal Memorial Sports Complex kung saan gaganapin ang maikling programa bilang parangal kina Yulo at Obiena.

Pagkakalooban ng Maynila si Yulo ng P2 milyon para sa dalawang gold medal na nasungkit sa Paris Olympics at P500,000 naman kay Obiena na pumang-apat sa pole vault na kauna-unahang narating ng atletang Pinoy sa naturang kompetisyon.

“We just had our best Olympics. Let us all savor this historic moment.

The Philippines is on its way to becoming a global sports powerhouse. This is the time for solidarity, focus, and preparations for future Olympics and world championships,” sabi pa ni Mayor Lacuna.

AUTHOR PROFILE