Lacuna1 Nilagdaan na ng Manila local government sa ilalim ni Mayor Honey Lacuna-Pangan ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Jollibee Foods Corporation (JFC) para magbigay trabaho sa mga senior citizen at persons with disabilities nitong Enero 31. Kasama ni Mayor Honey sina Vice Mayor Yul Servo Nieto, at Secretary to the Mayor Atty. Marlon Lacson at representante ng JFC. Kuha ni Jon-jon Reyes

Mayor Honey tiniyak ang trabaho para sa SCs, PWDs sa mga fastfood restos

February 2, 2023 Edd Reyes 669 views
 Honey Lacuna
The first female Mayor of the City of Manila, Honey Lacuna, and the visual artist, CMO2 Kristine Lim PN (Res), pose for posterity at the portrait of the local chief executive as the latter hold a solo exhibit at the Clock Tower Museum at the kickoff of National Arts Month Celebration held at the Manila City Hall, Feb. 1, 2023. Photo by Jon-Jon Reyes

TINIYAK ni Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan na patuloy pa ring pagkakalooban ng trabaho ang mga senior citizen at persons with disabilities (PWDs) ng mga fastfood restaurants sa Lungsod ng Maynila alinsunod sa umiiral na ordinansang ipinasa noong kasagsagan ng pandemiya.

Nito lang Martes ng hapon (Enero 31) ay nilagdaan ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila at mga kinatawan ng Jollibbee Foods Corporation (JFC) ang isang kasunduan na magbubukas ng oportunidad sa mga senior citizen at PWD na pawang residente ng lungsod magkaroon ng trabaho sa kanilang mga sangay sa lungsod.

Pinangunahan nina Mayor Honey Lacuna-Pangan, Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto, at Secretary to the Mayor Atty. Marlon Lacson ang paglagda sa kasunduan sa pagitan ng mga kinatawan ng naturang fastfood chain na kinabibilangan ng Chowking Operations Director Marife Dizon, Greenwich Operations Director Jonathan Pidlaoan, Jollibee Area Manager Asdel Kent Aboloc, at Burger King Area Manager Erralyn Pascual.

Sa ilalim ng nilagdaang kasunduan, ang Jollibee, Greenwich, Chowking, at Burger King ay tatanggap ng kabuuang 28 senior citizens at 17 PWDs bilang empleyado sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) ng Lungsod ng Maynila.

Batay sa Ordinance No. 8598 na nilagdaan noong Marso ng taong 2020 ni dating Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, inaatasan ang mga fastfood chains na pagkalooban ng pansamantalang trabaho ang mga senior citizen at PWD na naninirahan sa Maynila bilang bahagi ng social amelioration program ng lokal na pamahalaan.

Hindi naman lalagpas ng apat na oras ang gugugulin ng mga matatanda sa apat na araw na pagtatrabaho na may minimum na sahod sa loob ng anim na buwan.

AUTHOR PROFILE