Bar Ang unang araw ng Bar exams. Kuha ni JONJON C. REYES

Mayor Honey sa Bar takers: Maglingkod sa lugar n’yo

September 14, 2024 Edd Reyes 98 views

HINIMOK ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang mga Bar examinees na maglingkod sa kanilang mga lugar sa oras na makapasa at maging ganap na abogado.

Ibinigay ni Mayor Honey ang kanyang panawagan sa second day ng Bar exams sa Linggo.

“As the 2024 Bar Exams wind up and with our city proudly hosting the University of Santo Tomas and San Beda University testing centers, I congratulate all the bar examinees on completing all the exams because that in itself is a major life event,” sabi ni Mayor Lacuna.

“To those who will pass the Bar, I recommend that they pay it forward to the communities and barangays where they reside.

Immerse yourself in your neighbors’ real-world legal debacles. Do your best to present solutions your neighbors can choose from,” payo ng alkalde sa mga kumuha ng pagsusulit.

Hinimok din ni Mayor Lacuna ang mga nagtapos ng kursong abogasya na maging pamilyar sa “Katarungang Pambarangay” o ang Barangay Justice System dahil ipinatutupad na ito sa mga barangay at isa itong mahalagang bahagi ng Local Government Code ng 1991.

Inaasahang mailalabas ang resulta ng pagsusulit sa Disyembre, batay na rin sa naging pahayag ng Korte Suprema, upang hindi maghintay ng matagal ang mga bar examines,

Sinabi ng alkalde na sa kasalukuyan, nakikipagtulungan na ang Maynila sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) at Public Attorney’s Office (PAO) upang maipaabot sa komunidad ang pagkakaloob ng legal na tulong sa lungsod.

“We look forward to fostering more partnerships with the IBP-Manila Chapters in various community initiatives,” sabi pa ng alkalde.

Nauna rito, naging bukas-palad ang IBP Greater Manila Chapter sa pagkakaloob ng mga computer units sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Maynila bilang hakbang sa pangangailangan ng ganitong mga makabagong uri ng kagamitan.

AUTHOR PROFILE