Lacuna

Mayor Honey nakiramay sa mga namatay sa sunog sa Binondo

August 2, 2024 Edd Reyes 397 views

NAKIRAMAY si Manila Mayor Honey Lacuna sa pamilya ng 11 namatay sa sunog noong Biyernes sa Carvajal St., Binondo, Manila.

“Sa ngalan ng Maynila, lubos po akong nakikidalamhati sa mga mahal sa buhay ng mga nasawi.

Agad na pong nagpadala ng tulong ang Manila Social Welfare and Development (MSWD) upang alalayan ang pamilya ng mga nasawi at nawalan ng ari-arian, kabilang dito ang psychosocial, medical at financial aids,” pahayag ni Mayor Honey Lacuna.

Bilang tugon sa trahedya, sinabi ng alkalde na iuutos niya sa mga fire officals na magsagawa ng masusi at puspusang pagsusuri sa lahat ng istraktura at gusali sa lungsod.

Partikular na binanggit ni Mayor Lacuna ang mga gusaling may mataas na panganib lalo na ang mahigit 15-taon ng nakatayo.

“These checks are aimed to ensure strict compliance with existing building and fire regulations, aiming to prevent such incidents from occurring in the future and to safeguard the well-being of our residents,” pagtiyak pa ng alkalde.

AUTHOR PROFILE