Lacuna

Mayor Honey, nakipagpulong sa lehitimong vendors sa Divisoria

September 20, 2023 Edd Reyes 194 views

NAKIPAGPULONG si Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan sa mahigit 500 mga tindero’t tindera sa Divisoria nitong Martes ng hapon upang muling ipaalala ang mga patakaran para sa mas ligtas at maayos na pamilihan sa Maynila.

Kasama ni Mayora Lacuna-Pangan ang iba’t ibang mga pinuno ng mga departamento tulad ng City Treasurer’s Office, Bureau of Permits, Department of Public Services, Manila Traffic and Parking Bureau, Department of Engineering and Public Works, at Department of Tourism, Culture and Arts sa ginawa niyang pakikipag-pulong sa mga lehitimong manininda.

Kabilang rin sa mga lumahok sa pagpuulong ang mga Kabesa ng barangay na nakakasakop sa Divisoria sa pamumuno ni Manila Barangay Bureau Director Diosdado Santiago, pati ang mga kapulisan at Manila Police District (MPD) Station 11 at Station 2 na nakakasakop Divisoria.

Ipinakilala rin ng alkalde sa nasabing pagtitipon ang mga otorisadong opisyales na naatasan sa koordinasyon at pangongolekta ng mga buwis.

Bukod dito ay tiniyak din ni Mayor Lacuna-Pangan ang patuloy na pagkakaloob ng suporta ng Pamahalaang Lungsod sa mga nagtitinda para sa kanilang kaligtasan, pati na rin ng mga mamiili.

Nakiusap rin ang Punong Lungsod sa kooperasyon ng bawat isapara sa pagpapanatili ng disiplina at kalinisan sa lugar.

AUTHOR PROFILE