Servo

Mayor Honey at VM Yul Servo, nanguna sa groundbreaking ceremony

August 26, 2022 Edd Reyes 402 views
Lacuna
BAGONG MANILA BOYSTOWN COMPLEX – Pinangunahan nina Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan and Vice Mayor Yul Servo Nieto ang groundbreaking ceremony para sa bagong itatayong bagong administrative building ng Manila Boystown Complex, Martes Agosto 23.

Bagong gusali ng Manila Boystown Complex itatayo

PINANGUNAHAN nina Manila Mayor Maria Sheila “Honey” Lacuna-Pangan at Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto ang groundbreaking ceremony sa itatayong gusali sa Manila Boystown Complex sa Marikina City.

Ang konstruksiyon ng apat na palapag na administrative building na may roof deck ay itatayo sa Parang, Marikina City na may kabuuang lawak ng sahig na 720 metro kuwadrado at ito’y magsisilbing modernong tanggapan ng mga kawani ng Boystown.

Sinabi ni Mayor Honey na ang gusali ay mayroon ding 19 na malalawak na silid na mayroong banyo at paliguan at magkakaroon din ng evacuation center para sa mga lilikas sa sakuna.

Ang Manila Boystown Complex, bagama’t nasa Parang, Marikina, ay nasa ilalim ng pangangasiwa at pamamahala ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila na kahalintudad din ng South Cemetery na nasa Lungsod naman ng Makati.

Ito ay isang nagsisilbing bahay-ampunan ng mga walang tirahan, mga inabandona at kinalimutan ng kalingain ng kanilang sariling pamilya, mga batang sumuko matapos makagawa ng krimen at iba pang mga kabataan at matatandang palaboy.

Kasama nina Mayor Honey at VM Yul Servo sa naturang seremonya na ginanap noong Martes ng hapon sina Department of Public Works and Highways (DPWH) Assistant Secretary Engr. Antonio Molano Jr., DPWH NCR Regional Director Engr. Nomer Abel Canlas, at City Engineer Armand Andres.

AUTHOR PROFILE