Guo

Mayor Guo ‘pekeng’ Pilipino — Risa

June 27, 2024 PS Jun M. Sarmiento 285 views

MAYOR Alice, walang sikretong hindi nabubunyag.”

Ito ang mariing pahayag ni Sen. Risa Hontiveros kung saan ay ibinulgar niya na mismong ang National Bureau of Investigation (NBI) ay nagkumpirmang ang mga fingerprints ni Mayor Alice Guo at Guo Hua Ping ay direktang nag-match at lumabas na ito ay iisang tao lamang.

“Ibig sabihin, they are the fingerprints of one and the same person. This confirms what I have suspected all along. Pekeng Pilipino si “Mayor Alice” — or should I say, Guo Hua Ping. She is a Chinese national masquerading as Filipino citizen to facilitate crimes being committed by POGO,” ani Hontiveros

Ang bagong ebidensya na ito ani Hontiveros, ay matibay na magagamit ng Office of the Solicitor General para masampahan na si Mayor Guo ng quo warranto case.

“Napakalaking insulto ito sa mga botante ng Bamban, sa mga institusyon ng ating gubyerno, at sa bawat mamamayang Pilipino. Ito na ang pinakamabigat na ebidensya para palayasin na sa pwesto si “Mayor Alice,” pahayag ni Hontiveros.

Si Hontiveros, chair ng Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, ay nagbigay pasasalamat din kay NBI Director Jaime Santiago para mabilis na paglutas ng nasabing kaso na nagbigay linaw sa katotohanan sa pagkatao ni Guo.

“I call on the Office of the Solicitor General to expedite its filing of a quo warranto case against her. Dapat mapanagot siya sa lahat ng krimen na ginawa niya at ng kanyang POGO hub,” dagdag ng senadora.

Gayunman, hindi pa aniya nagtatapos dito ang kanilang pag iimbestiga kung saan ay inamin din ng senadora na marami pang mga ebidensya ang iniipon nila.

“Guo Hua Ping, soon, we will know the full extent of your deception. Magpapatuloy ang aming imbestigasyon sa Senado. We will dig deeper and locate the systemic roots of our POGO problem,” giit ng senadora.