Volcano

MAYON VOLCANO NAG-AALBURUTO!

June 5, 2023 Zaida I. Delos Reyes 289 views

Alert Level 2 itinaas

MULA Alert Level 1 ay itinaas sa Alert Level 2 ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang status ng Mayon Volcano dahil sa pagaalburuto.

Sa inilabas na advisory ng Phivolcs, tumataas ang pag-aaburuto ng bulkan na posibleng mauwi sa phreatic eruptions o magmatic eruptions

“There is current unrest driven by shallow magmatic processes that could eventually lead to phreatic eruptions or even precede hazardous magmatic eruption,”-pahayag ng Phivolcs.

Mula sa average na limang rockfall events kada araw, nakapagtala ang Phivolcs ng 49 rockfall events mula June 4 hanggang June 5.

Ayon sa Phivolcs, simula April 1, umabot sa 318 rockfall events at 26 volcanic earthquakes ang naitala.

Dahil dito, binalaan ng Phivolcs ang publiko na manatiling alerto at iwasan ang pagpasok sa itinalagang six kilometer-radius permanent danger zone upang maiwasan ang panganib sa posibilidad na pagsabog , pagbagsak ng mga bato at landslide sa paligid ng bulkan.

Pinayuhan din ng Phivolcs ang publicko na na takpan ang bibig at ilong ng malinis na tela o gumamit ng dust mask sa sandaling magkaroon ng ash fall.

“In case of ashfall events that may affect communities downwind of Mayon’s crater, people should cover their nose and mouth with a damp, clean cloth or dust mask,” pahayag ng Phivolcs.

Pinayuhan din ng Phivolcs ang aviation authorities na paalalahanan ang mga piloto na iwasan muna ang paglipad malapit sa bunganga ng bulkan dahil sa posibilidad ng biglaang pagbubuga nito ng abo na lubhang mapanganib sa mga aircraft.

Patuloy ang ginagawang pagbabantay ng Phivolcs sa aktibidad ng bulkan. Nina ZAIDA DELOS REYES & JUN I. LEGASPI