Phivolcs

Mayon volcano ibinaba sa alert level 2

December 8, 2023 Melnie Ragasa-limena 154 views

IBINABA na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa alert level 2 ang Bulkang Mayon sa Albay.

Nangangahulugan ito ng “moderate level of unrest.”

Nilinaw ni Phivolcs Director Teresito Bacolcol na nananatili pa ring mataas ang sulfur dioxide emission ng bulkan kaya dapat pa ring iwasan ang pagpasok sa 6 kilometer permanent danger zone ng bulkan.

Kahit nasa ilalim ng Alert Level 2 maaari pa ring magkaroon ng pagsabog, rockfalls at landslides, ayon sa Phivolcs.

Itinaas sa Alert Level 3 matapos itong magbuga ng abo at toxic gases na nakakaapekto sa mga residenteng malapit sa bulkan.

Nasa 12,800 residente ang inilikas dahil sa unrest ng bulkan.