Maymay

Maymay, nominado sa MTV EMA

October 31, 2022 Ian F. Fariñas 157 views

Nagbabalik ang “kabogera queen” na si Maymay Entrata para painitin muli ang dance floor sa bago niyang kantang Puede Ba.

Tungkol ito sa tensyon sa pagitan ng dalawang taong nag-iibigan habang idinadaan sa pagsayaw ang nararamdaman.

Kasama rito ni Maymay ang OPM artist na si Viktoria na nagsulat, nagprodyus at unang nag-record ng awitin na naging hit noong 1999.

Umani ito ng iba’t ibang parangal kasama na ang apat na Awit Awards for Best Performance in a Video, Best Dance Recording, Music Video of the Year at Best Producer.

Nasungkit din nito ang Best Female Music Video sa 2000 MTV Awards Philippines.

Umarangkada ang kanta sa iTunes Philippines kung saan naabot nito ang ikalawang pwesto sa loob ng isang araw habang humakot ng 392,000 views at umakyat sa ika-18th na pwesto sa YouTube trending videos ang music video nito.

Kamakailan lamang inanunsyo na nominado para sa Best Asia Act ang Amakabogera singer sa 2022 MTV European Music Awards (EMA) kung saan makakaharap niya sina NIKI (Indonesia), SILVY (Thailand), The Rampage from Exile Tribe (Japan) at Tomorrow x Together (South Korea).

Samantala, napapakinggan ang Puede Ba sa iba’t ibang digital platforms habang ang music video nito ay nasa YouTube na.

GERALD/SAM, BACK-TO-BACK

Ibabandera nina Gerald Anderson at Sam Milby ang kanilang kakisigan at kagwapuhan sa digital video magazine na Flex.

Mas makikilala pa ng manonood sina Gerald at Sam sa kanilang mga kwento tungkol sa kanilang karir at lovelife.

Makakasama nila sa isyu ang Ultimate Flexmatena si Elyson de Dios at Flexmates na sina Michael Ver Comaling at Kristof Garcia.

CHINESE DRAMA SEQUEL

Mapapanood muli ng Pinoy fans ang Asian actor na si Dylan Wang sa hit series na Ever Night: War of Brilliant Splendours sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z at TV5.

Pagkatapos magpakilig noong 2018 bilang si Dao Ming Si sa Chinese adaptation ng Meteor Garden, makikilala na ang bagong heroic karakter ni Dylan bilang si Ning Que.

Ang 2020 serye ay sequel ng Chinese drama na Ever Night, isang historical fantasy novel na isinulat ng award-winning writer na si Mao Ni.

Hango ang kwento sa Tang Dynasty na pinagbibidahan ni Ning Que (Dylan Wang) ang natitirang survivor ng General Lin clan na naataasan na protektahan ang kaharian ng Tang at itago ang tunay na pagkatao ng kaibigang si San San (Song Yi Ren).

Mahabang paglalakbay at matinding laban ang nag aabang kay Ning Que laban sa mga masasamang loob na gustong agawin ang Tang at sa anak ng kadiliman na nakatakdang bumalik at maghiganti. Ni MERCY LEJARDE

AUTHOR PROFILE