Default Thumbnail

‘May problema sa bawat solusyon’

December 27, 2021 Allan L. Encarnacion 594 views

Allan EncarnacionMARAMING tao na ginagawang bahagi ng kanilang sistema ang pagtingin or paghahanap ng negatibo sa kahit anong positibong bagay.

Iyon bang tipong palagi siyang may problema sa kahit anong solusyon dahil nga “booster shot” niya ang negatibong pag-iisip. Lumalakas siya kapag may masama siyang nakikita sa paligid.

Isang halimbawa ay ang ulat ng Commission on Audit o COA na QC ang nasa top list or richest LGU sa buong bansa na may P452.333 billion total assets.

Halimbawa na lamang ay ang mga troll accounts at ibang pages ng mga ambisyosong pulitiko sa Kyusi. Ang reaksiyon agad nila, “dami raw pera pero di naman ginagamit sa programa.”

Ganyan iyong mga taong may alagang talangka sa utak. Sa halip na matuwa dahil maunlad ang kanyang lungsod, naghanap ng masamang masasabi sa nabasa niyang good news. Kasi nga, nanghihina naman siya kapag may magandang nangyayari sa paligid niya kaya kailanga niyang pukulin ng putik.

Unang-una, kung hindi nagagamit ang pondo sa mga programa, sana hanggang ngayon ay kagubatan at damuhan pa rin ang mga dinadaanan niyang city roads.

Kung hindi nagagamit ang pondo ng city, sana nangangapa ka pa rin sa dilim dahil walang street lights, sana ang mga basura ay ga-bundok na sa mga kalye, sana walang mga parke na nalalaruan at napapasyalan ang mga bata, sana walang maayos na bangketa, sana walang mga gamit ang pulis na sinusuportahan ng city government para sa peace and order campaign, sana walang mga empleyadong naglilinis ng ating mga komunidad at nagmamanda ng mga daloy ng sasakyan.

May pandemic man o wala, ang city government ay naglalaan ng mga livelihood programs, nagkakaloob ng mga financial assistance at tumutulong sa maraming kabuhayaan sa mga poor communities. Kailan lang, nakita natin ang maraming beneficiaries ng P20K kabuhayan assistance sa QC Memorial Circle.

Idagdag mo pa ang napakaraming housing projects na nangyari lamang sa termino ni Mayor Joy.

Aminin man ng mga negatibong mga pulitiko at ng kanilang mga pinakawalang trolls, ngayon lamang nangyari sa lungsod ang sistematikong paggamit ng pondo at massive program na nararamdaman ng mga tao. History in the making ang ginagawang ito ni Mayor Joy.

Bago pa ang ulat na ito ng COA sa mga richest LGU, kailan lang ay pinarangalan din ang QC bilang lokalidad na may may pinakamasinop na paraan na paggasta ng pera ng bayan. On record yan, hindi lang propaganda.

Kunsabagay, sino ba naman ang hindi maiinggit sa QC na may P28 billion budget para sa taong 2021 na halos tatlong doble ng pondo ng Makati na P18 billion at mas mataas pa kapitolyo ng bansa na Manila na may P22 bilion?

Katulad ng palagi nating sinasabi rito, sa tagal nating residente ng QC mula pa 1977, ngayon lang tayo nakatagpo ng totoong disenteng alkalde na may mataas ang integridad.

[email protected]